BOOK 3- Chapter 13

538 14 6
                                    

CHAPTER 13


A/N: 162K reads ♥ Thank you!!! Sorry sa slow update hehehe



“Love is not just for two people sharing the same feelings. Love is also for those people who keep on loving even when they're not receiving the same love.”
-c.




“Wala pa ring update kay Claire.” Sabi ni Hunter pagkabalik niya sa kwarto matapos kausapin ang hinire niyang maghahanap kay Claire.


She should know what's happening to her daughter. Hindi ako nananalangin na may mangyaring masama kay Avee pero si Claire pa rin ang tunay na ina kaya may karapatan siyang malaman na may sakit ngayon ang anak niya.


“Hunter, why don't we ask for help...” Tinitigan ko siya.


“Kanino?”


“Sa AGP...”


Ilang oras ko ng iniisip na humingi ng tulong sa AGP. Hindi ko alam kung kina Traz ba o sa mga bagong miyembro pero sa tingin ko sila ang makakatulong sa amin para mahanap ng mabilis si Claire.


“Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Isa pa, hindi natin kailangan humingi ng tulong sa AGP.”


Hindi ko alam kung anong umiiral kay Hunter ngayon pero hindi ko siya maintindihan. Kung isang tao lang na kung sino sino ang maghahanap kay Claire, wala talagang mangyayari.


“Gibrielle, Hunter, kumain na muna kayo.” Pumasok si Tita Joy na kakarating lang galing bahay para magluto ng pagkain namin.


We've been in the hospital for two days at awtomatikong nag-leave si Hunter para mabantayan ang anak namin. Tumayo na ako at tinulungan si tita sa mga bitbit niya. Inayos naman ni Hunter ang lamesa at naglagay ng mga paper plates na gagamitin namin.


“Nagpunta na ba dito ang doktor?” Tanong ni tita.


“Opo, tita.”


“Anong sabi?”


“Wala naman po masyado basta huwag daw malilihis atensyon natin. Kailangang bantayan ng maigi si Avee.”


“Jusko. Anong nangyayari sa apo ko? Kawawang bata.” Umiiling na sabi ni tita.


“I'll buy water outside.” Sabi ni Hunter na medyo malamig ang boses.


Ito ang unang pagkakataon na ganito ang trato ni Hunter sa akin. Hindi ako sanay pero sinabi ko lang naman ang suhestyon ko. Baka sakaling mapadali nga ang paghahanap sa kanya.


Pinagmasdan ko si Hunter habang palapit sa pintuan. Pagkabukas niya ng pintuan, pare-pareho kaming natigilan sa mga ginagawa namin. Standing outside the room were Traz, Brix, Yule, Michael, Van, and Zanea. Nahihiyang nakangiti si Zanea na para bang guilty siya na sigurado naman akong siya naman talaga ang nagsabi kung anong nangyayari sa amin kaya nandito sila.


Napalingon sa akin si Hunter pero umiling ako. Sunod akong napalingon kay Tita Joy na nagulat sa pagkakita sa mga dati kong kaibigan. Pagkatapos ng mahigit tatlong taon ay nakita niya ulit ang mga ito. Muli akong bumaling sa mga kaibigan kong may bitbit na mga prutas.


“Sorry, Gibrielle. Hindi ako mapakaling hindi sabihin sa kanila ang nangyayari sa baby mo.” Sa wakas ay amin ni Zanea.


Ngumiti na lang ako. “Kumain na ba kayo?”


“We're okay.”


“Kumusta, Hunter?” Tanong ni Traz saka nag-manly hug dito.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon