Chapter 36

2.2K 53 6
                                    

CHAPTER 36

This is it. The day has finally come. Excited na excited na si Zanea para sa performance mamaya. Hindi pa niya alam na pagkatapos ng sem na ito ay mawawala na ako. I know may midterm at final pa kaming pagsasamahan pero masyadong mabilis ang panahon.

"Ate, let's talk." Sabi ko nung puntahan ko si ate sa kwarto niya.

Pagkauwi namin ni Zanea kahapon ay dito ako kaagad dumiretso. Hindi pa rin ako nakakapagbihis. Napangiti siya nung pumasok ako.

"Gibrielle, I'm sorry." Sabi ni Ate Gail.

"No, ate. I'm sorry. Ako ang may kasalanan. Sorry kung nakapaglihim ako sayo at nasagot kita. Hindi ko sinasadya."

Umiyak si ate. "Makakahanap ka pa naman ng-"

"Si Damon lang. Siya lang ang mahal ko. Ate, hayaan mo na akong mahalin siya kahit sa malayo. Tatanggapin ko ang sakit, huwag lang ikaw ang masaktan. Tayo na lang ang magkasama, diba? Ayokong mawala ka rin sakin, ate." Sabi ko.

Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Namiss ko ang ate ko. Nakalimutan ko ang mga nangyari sa amin at ang relasyon namin dahil sa pag-ibig. Hindi ko dapat kinalimutan ang ate ko. I should respect her. I should respect her decisions.

"Ate, I want another school next sem."

Humiwalay siya sa yakap. "Are you sure?"

"Yes. Hindi ko ipipilit si Damon na magustuhan mo pero sana in time maisip mo kung bakit ko siya minahal, ate. Pero para sa ikatatahimik ng lahat, gusto ko na lang umalis doon. Ginulo ko sila. Ayokong palalain yun."

Tumango si ate. "Okay. Marami pa namang malapit na school dito."

Nagkaayos na kami ni ate. Hindi kami lilipat ng bahay dahil si ate lang rin ang mahihirapan. Mag-iiba lang ako ng school. I'm sure, makakalimutan rin ako ni Damon kapag hindi na niya ako makikita.

Kasama ko si ate ngayon sa pagpasok. Manonood siya. May dala rin siyang videocam para i-record ang buong performance namin. Excited silang dalawa ni Zanea pero ako kinakabahan. Hindi ko sana makalimutan ang mga linya ko. At sana magawa ko ng tama ang lahat ng gagawin ko. 3rd kami sa magpeperform pero kailangan na naming magbihis.

"Goodluck, Gibabe!" Hinalikan ako ni ate saka nagpwesto na.

"Thanks, ate." Buong tamis ko siyang nginitian.

"Guys, gather! Magpe-pray tayo!" Dinig kong sigaw ni Ingrid.

Nakita ko na silang nag-form ng circle. Nung makita nila akong palapit, pinutol nila ang circle kay Zanea at Damon. Binibigay talaga nilang pwesto ko ay sa gitna nila. I have to act normal. Diba sabi ko, mamahalin ko si Damon sa malayo? Aarte ako ng parang wala na lang kahit na deep inside ay masakit para sakin. Alam ko, nasasaktan ko rin siya. Pero kailangan kong gawin ito bago pa lumala ang sitwasyon.

Nagpwesto ako sa gitna nina Zanea at Damon. Naghawak-hawak kamay sila. Nagkatinginan kami ni Damon. Awkward. Pero ako na ang humawak sa kamay niya na parang wala lang. Si Ingrid ang nag-guide ng prayer. Pagkatapos ay binitawan ko na agad si Damon at nagpwesto para make up-an na ng artist na kinuha ni Ingrid. Isa isa kaming minake up-an. Hindi namin napanood ang first performance, which is Cinderella. Natapos akong ayusan nung mag-istart na ang Rapunzel group. Nagpunta ako sa gilid ng mga audience. Kasama ko ang mga classmates kong nanonood din.

Nung makita ko si Traz sa gilid ng stage, nginitian ko siya dahil alam ko namang sa akin siya nakatingin. Nginitian rin niya ako.

"OMG! Nginitian ako ni Traz! So much for a goodluck!" Utas nung katabi ko.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon