BOOK 3 - Chapter 41

265 8 3
                                    

CHAPTER 41


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tama ba ang pagkakarinig ko ng pangalan niya? Claire? Ang tunay na ina ni Avee?


"Bhie..." Dinig kong tawag ni Damon na mukhang kakagising lang.


Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa loob ng kwarto. Nasa kama pa rin si Damon at kinusot ang kanyang mga mata.


Hindi ko alam kung anong uunahih ko. 'Yung text ba ng pangalang Casper sa phone ni Damon o si Claire? At alam kong kahit anong unahin ko sa dalawa ay pareho lang na walang kasagutan sa mga tanong ko.


"Good morning, wife." Bati ni Damon nang lumapit ako sa kanya sa kama. Awtomatikong yumakap na ang kanyang kamay sa aking baywang.


"Good morning." Ganting bati ko.


"Si Avee?" Tanong niya.


"Nandun kina Naio."


"Hindi pa pala sila umuwi."


Kumunot ang noo ko. "Bakit parang gusto mo na silang umuwi?"


"Okay nga e para may magbantay kay Avee. We can make our own baby." Nakita ko ang nakakaloko niyang ngisi.


Hinampas ko siya sa dibdib. I guess, kailangan ko muna isantabi ang mga nakita ko kanina.


"Baliw ka ba?!"


"I'm sure hindi nila tayo iistorbohin!" Nagtaas-baba ang kanyang kilay saka hinaplos ang braso ko.


"Kakagising mo lang."


"So?" Aniya.


Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa kama. Inumpisahan niya akong halikan sa labi hanggang sa palalim ng palalim. Napahawak na ako sa kanyang dibdib dahil wala nga siyang damit na natulog.


"Gusto ko sa susunod na makikipagkita tayo sa mga kaibigan natin, may maganda ka na ring balita sa kanila." Aniya bago tuluyang hinubad ang mga soot ko.


Napangiti na lang ako. Alam ko naman na natamaan siya kahapon sa mga pang-aasar ng mga kaibigan namin dahil sa mas nauna pang magkaka-baby sina Zanea at Van. Pero paunahan ba ito?


Pagkatapos nun ay naligo na si Damon at ako naman ay bumaba na para icheck ang anak ko. Nakangiti silang napalingon sa akin kaya agad namula ang pisngi ko. Alam ba nila ang ginawa namin?


"Ma-mi!" Tawag ni Avee sa akin.


Nginitian ko ang anak ko. Saka bumalik sa isip ko ang text ni Claire kanina. Gusto niya bang makipagkita sa akin? Para saan? Balak na ba niyang kunin si Avee sakin? Do I need to tell this to Hunter?


"Tumawag si Kuya Hunter kanina, ate." Sabi ni Naio. "Nakausap niya si Avee saka kasama niya ang mommy niya."


"That's good." Tipid akong ngumiti.


Binuhat ko si Avee at hinalikan ito sa pisngi. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag dumating na ang panahon na kukunin na ni Claire ang anak ko.


Nagpaalam si Damon na aalis para i-meet ang client nila. Is he talking about Casper? Kung siya nga 'yun, wala na siguro akong dapat ipag-alala dahil client naman siya. Gusto kong bawasan ang mga tanong sa utak ko dahil hindi ko alam kung anong uunahin ko.


Nagpaalam na rin sina Tita Joy at Mommy Debby na sasabay na kay Damon pauwi. Hinatid ko sila sa labas ng bahay habang karga ko pa rin si Avee.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon