BOOK 3- Chapter 21

463 7 6
                                    

CHAPTER 21



"Believe what you feel and not what they say."
  -c.




Nagising ako na wala pa rin si Marie sa dating pwesto niya. Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Charles. Ni hindi ko alam kung anong oras na rin. Nakaka-ilang araw na ba ako dito?


Bigla akong napalingon sa pintuan nang bumukas ito. I saw Charles wearing another shirt. Does that mean naka-isang araw na ako dito?


"Nasaan si Marie?" Tanong ko.


Umupo siya doon sa pwesto ni Marie dati. "Bakit mo hinahanap ang taong pumalit sayo sa puso ni Damon?"


Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo? Hindi naman dapat nadadamay si Marie dito."


"Tanga ka ba talaga, Gibrielle? Oh, well, I won't blame you either. Hindi mo nakita kung gaano sila kasaya nung wala ka."


Hindi ko napigilan ang pagtakas ng mga luha ko sa sinabi ni Charles. Whatever he is saying ay nasasaktan ako.


"Charles, please, pakawalan mo na kami."


Bigla siyang nagseryoso ng mukha. "You know what? Hindi ko na alam kung anong naging dahilan ko kung bakit ginagawa ko 'to pero ngayon nag-eenjoy na ako. Pakiramdam ko nakakatulong ako even in a hard way."


"I don't get you."


"I'll tell you my plan, Gibrielle. Kapag pumunta dito si Damon, ikaw ang pakakawalan ko. Pero darating sa puntong siya mismo malalayo sayo dahil sa paghahanap niya kay Marie." Aniya saka siya bumulanghit ng tawa.


Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Why is he telling me this? At anong klaseng plano iyon? Anong pinagsasabi niya?


"In time, ikaw na mismo magdedecide na iwan si Damon dahil maiisip mong wala ng chance sa inyong dalawa. May iba ng nagmamay-ari ng puso niya, Gibrielle. Pareho na lang kayong nabubulag sa isa't isa. Huwag kang magpakatanga." Ngisi niya.


"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Sinamaan ko siya ng tingin.


Tumayo na si Charles at lumapit sa akin. "Mamaya... darating si Damon and I know kasama ang mga buntot niya. Be ready." Isa pang ngisi ang pinakita niya saka na niya ako iniwan.


"Charles! Si Marie!" Sigaw ko pero tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagpatuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. Palagi na lang ba akong iiyak? Wala na ba talaga akong magagawa?


Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Wala akong makitang gamit maliban sa dalawang upuan. Huminga ako ng malalim.


"Marie?" Sigaw ko, nagbabaka sakaling marinig niya ako. "Marie! Marie!"


Ginalaw galaw ko ang mga kamay ko pero sobrang higpit pa rin ng pagkakatali. Naririnig ko na rin ang tiyan ko dahil sa gutom.


Lumipas ang ilang oras, lalong tumitindi ang sakit ng tiyan at ulo ko. Wala pa rin akong ideya kung anong oras na. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga ingay sa labas ng kwarto.


"Gibrielle? Marie?" Sigaw ng pamilyar na boses.


"Damon?" Nanghihina kong tawag. "Damon,"


Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Traz. "Damon!" Sigaw agad nito saka tumakbo palapit sa akin.


Dali dali niyang tinanggal ang tali sa kamay ko. Sunod dumating si Yule at siya naman ang nagtanggal sa tali sa paa ko. Nang tuluyan na akong matanggalan ng mga tali, humahangos na tumakbo si Damon palapit sa akin. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon