Chapter 30

2.9K 67 5
                                    

CHAPTER 30

I never stop crying. Hindi ko alam kung saang part na ako ng university. Ang alam ko lang, walang tao rito. Ako lang mag-isa. Maraming puno na halos magmukha ng gubat. At may nakita akong tree house. Saka lang nag-sink sa akin na dinala ako ng mga paa ko sa tambayan ng Alpha Gamma Phi.

Halos libutin ko na ang buong university sa kakahanap sa kanya. Lalo lang akong naiyak nung makita ko ang bench kung saan kami unang nag-kiss ni Damon. Pinunasan ko ang pisngi ko saka lumapit doon. And then I saw him...

"D-Damon," Humagulhol ulit ako.

Hindi ko na kaya. Tumakbo ako palapit sa kanya saka siya niyakap. Sinuklian niya iyon ng mahigpit na yakap. Nagtuloy-tuloy bumuhos ang luha ko na parang falls. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nandito siya. Yakap ko siya.

"I'm sorry.." Sabi ko.

"Shh." Hinalikan ni Damon ang gilid ng ulo ko. "I'm sorry. Bati na tayo, please. Bati na tayo, huh? Bhie, I'm so sorry."

Pareho kaming humiwalay sa yakap. Pinunasan niya ang pisngi kong basang basa sa luha. Tapos ay pinaghahampas ko siya sa dibdib at sa kung saan pero tinakip niya ang kanyang dalawang braso.

"Nakakainis ka! Sa susunod huwag mo ko walk out-an!" Sigaw ko.

"Sorry na nga. Nun ko lang kasi naramdaman ang selos e. Kaya nagalit ako ng sobra tapos kay Reige ka pa sumama."

Hinahampas ko pa rin siya kahit ako lang rin naman ang nasasaktan. "Nakakainis ka pa rin! Dahil diyan sa makitid mong utak, nagkagulo kayo ni Reige."

Bigla niyang hinuli ang dalawang kamay ko. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas.

"You knew about that?" Nanliit ang mga mata niya.

"Oo!"

"Bakit hindi mo sakin tinanong?"

"Kung sayo ko tinanong, sasabihin mo ba ang totoo? Sasabihin mong ikaw talaga ang nag-umpisa ng gulo niyo?"

Nag-iwas siya ng tingin. Nakakainis! Sabi na nga ba! Mabuti na lang tinanong ko sa iba. Tinitigan ko siya. Bumuntong hininga ako.

"I want an open relationship between us. I want no secrets." Sabi ko.

Tumango siya. "Okay. Basta para sayo. I'm sorry."

Yayakapin niya sana ulit ako pero lumayo ulit ako. "Meron pa!"

"Ano?" Tila naiinip niyang tanong.

"Hindi ka na magiging bastos kay Reige,"

"Ano?!" Sigaw niya. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Frustrated, huh?

"Kaibigan ko na siya. Saka wala siyang intensyong masama sakin."

"Wala pero gusto niya tayong paghiwalayin. Dahil lahat ng babaeng lumalapit sa kanya noon, inaagaw ko."

Nanlaki ang mga mata ko. So, iyon ang ibig sabihin ni Hunter na dahil sa mga babae ang gang fights nila? Binawi ko ang mga kamay ko saka pinaghahampas ulit siya.

"Nakakainis ka talaga, Damon! Ikaw naman talaga ang nag-uumpisa ng mga gulo. Ikaw ang nag-umpisa ng alitan niyo ni Reige tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Idadamay mo pa ako?!" Sigaw ko.

"Sorry na nga e."

Hinuli niya ulit ang mga kamay ko saka mabilis akong hinalikan sa labi. Natahimik ako. Kanina lang sobra akong nasasaktan, sobra ang pag-iyak ko, pero ngayon pilit kong pinipigilan ang pagngisi. Okay na kami. Bati na kami.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon