Chapter 11

3.3K 105 2
                                    

CHAPTER 11

That wasn't really expected. Ang akala ko naglasing siya dahil sa first time niyang napahiya o mapahiya sa maraming tao. But that's not it. It's because I didn't give him the chance he was asking. Ganun niya ba talaga ako kagusto? Ganun siya kasiguradong ako lang ang mahal niya? Ganun siya kadesperate para payagan ko siyang ligawan ako?

But I will not risk everything with no assurance.

"Ubusin mo na 'yang kape mo baka malate ka pa sa school mamaya." Nag-iwas ako ng tingin. Baka kasi may pasok pa siya. Wala naman kasi akong pasok.

Nung gumalaw siya palapit sakin, tumayo kaagad ako. Kinabahan ako. Kinuha ko ang kape at sandwhich ko saka pumunta sa kusina. Doon ko tinuloy ang pag-inom ng kape. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Alam kong purisigido talaga siya.

Hindi. Ayoko. Kapag binigyan ko siya ng chance, parehong lalalim ang mga nararamdaman namin. Ayokong masaktan sa bandang huli. Ayoko ring siya ang masaktan. Kaya habang maaga pa, dapat patayin na namin lahat ng emosyon na hindi dapat namin maramdaman. I'm scared, really scared to risk everything. Sapat na saking masaktan ngayon. Hindi pa naman masyadong masakit. Kaysa naman humantong na sa sakit na mahirap lunasan... na wala ng lunas pa.

Ni hindi ako sigurado sa nararamdaman naming dalawa. Baka attraction lang lalo na't ilang araw pa lang kaming magkakilala. Baka kapag binigyan ko siya ng chance, magbago ang isip at nararamdaman niya. Paano naman ako diba? Hinayaan ko ang sarili kong tumalon dahil nakita ko siyang naghihintay sa akin sa ilalim. Iyon pala, iiwan din niya ako at tuluyan akong babagsak na walang sasalo sakin.

"Bakit? Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko. Mahirap bang ibigay yon?" Sumunod na pala siya sakin.

Hindi ko siya nilingon. Pinunasan ko ang mga nakatakas na luha. Traydor din ito e. Kung kailan dapat sila magtago, dun sila lumalabas. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos nila. Napasinghot na rin ako. Hindi niya dapat malaman na umiiyak na naman ako.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin mula sa likod. Ito ang pangalawang beses na niyakap niya ako. Binaon niya ang kanyang mukha sa likod ko. Nakaramdam na rin ako ng basa. Is he crying? OMG!

I managed my voice. "Don't make it hard for me. Layuan mo na lang ako. Magalit ka na lang sakin at 'wag mo na akong pansinin. Sooner or later, mawawala rin yan."

"How can I do that when everytime you push me, my love for you just keep on getting deeper and deeper? I can't escape."

Nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Muli kong naramdaman 'yung sakit nung malaman kong may girlfriend na ang crush ko. Ang pinagkaiba lang ngayon, mas masakit ito, mas naninikip ang dibdib ko. At iba ang nangyayaring ito sa nangyari sa akin noon. Ang pinagkapareho lang ay ganun din siguro ako noon. Sa tuwing tinutulak ko siya at patuloy pa rin siya sa paglapit sakin, lalo lang akong naa-attach sa kanya. Ano bang dapat kong gawin?

"I don't know what to do. I'm scared," Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

Humiwalay siya sa pagkakayakap. Iniharap niya ako sa kanya. Now, I could really say that this Alpha Gamma Phi leader is crying. Lalong nanikip ang dibdib ko. Bakit ba kasi kailangan pang humantong sa ganito? Hindi ko kayang may umiiyak dahil sa akin. Mas masakit para sa akin.

"Why?" Frustrated niyang tanong.

I didn't answer him. Nag-iwas ako ng tingin pero ikinulong niya ang mukha ko gamit ang kanyang mga palad. Hinuli niya ang mga tingin ko. Hindi ko alam, Damon. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot.

"Please... tell me. I want to know. What scares you?"

Nakakalusaw ang mga titig niya. Hindi ako sanay ng ganito. I had my first boyfriend but we didn't shed even a single tear. Pero ito? Hindi pa man nag-uumpisa, marami na kaming luhang inilabas.

"I don't know..." Tumulo ulit ang mga luha ko. Pero kada bumuhos na luha ay agad niyang pupunasan. "This has no assurance," I finally said it. Isa lang yata iyon sa mga rason kung bakit ako natatakot.

Mag-iisang linggo pa lang, diba? Who would in her right mind believe this man who keep on telling me that he loves me? Masyadong mabilis para sa akin. Ni walang pundasyon para ipaglaban ang nararamdaman namin. Mabilis ito at sigurado akong mabilis din itong matitibag. Nakakatakot diba?

"What? Ang pagmamahal ko sayo? Mabilis nga siguro masyado pero hindi ko naman sinasadya e. Kahit kelan, hindi ko pagsisisihan na sayo ko 'to naramdaman."

Tama pa ba ang mga nangyayari? Ano'ng mangyayari kung bibigyan ko siya ng chance? Ano ang mangyayari kung lalayuan ko siya? Can I choose the first part? Can I still risk my happiness for him? Paano kapag masaktan lang uli ako? I can't handle another heartbreak. I also promised my ate to study first. Nangako ako sa kanyang hindi ko muna bibigyan ng pansin ang tungkol sa pag-ibig. Mas matimbang sakin ang ate ko. Ayokong masaktan ko ang ate ko. She is more important. Siya na lang ang natitira sakin.

So I chose the latter part.

Masakit man pero kailangan kong gawin. I hope he'll understand.

"I'm sorry, Damon. Last ko ng pakiusap sayo 'to. Layuan mo na lang ako. Mas magiging madali 'yun para sa ating dalawa. Please. Nakikiusap ako sayo. Gawin mo na lang hangin ang presensiya ko. You will thank me in the future for doing this. I'm really sorry."

I saw his last teardrop before I left him there. Tumakbo na ako sa kwarto ko. I continued crying. Kakayanin ko 'to. Kakayanin kong umiyak ng ilang araw. Pinaka-importante sa lahat ang ate ko. I don't wanna break her trust. She is all I have. I don't wanna lose her. Mas hindi ko makakaya kung magalit siya sakin.

Please understand me, Damon.

Binaon ko ang mukha ko sa unan dahil rinding-rindi na ako sa sarili kong boses. Bakit ako nasasaktan kung tama naman ang naging desisyon ko? Bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko? Naninikip ang dibdib ko. Para akong hindi makahinga sa sobrang sikip.

"Gibrielle, please!" Napatalon ako nang kumatok siya sa kwarto ko. Sinundan talaga niya ako? "One chance and I will assure you you won't regret it. Just give me one fcking chance."

Damn! Hindi ko mapigilan ang pagmumura sa ganitong sitwasyon. Bakit ang tigas ng ulo niya? Bakit ang hirap niyang pakiusapan?

Hindi ako sumagot. Ilang beses pa siya kumatok at nagmakaawa. Sobra sobra ang pagppipigil ko tumayo at pagbuksan siya ng pintuan. Ang sikip talaga ng dibdib ko. Hirap akong makahinga.

Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang mga yabag niya papalayo. Dahan dahan akong tumayo para sumilip sa bintana hanggang sa makita ko siyang lumabas na ng bahay. Nag-angat siya ng tingin sa bintana ng kwarto ko na para bang alam niyang nakasilip ako. Nalaglag ang panga ko nang makitang soot na niya ulit ang damit niya kagabi. Isang malungkot na tingin ang binigay niya bago lumabas ng gate. Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at umalis.

Napasandal ako sa pader. Ang sakit sa dibdib. Pero hindi ako dapat magsisi. I did the right choice.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon