BOOK 2- Chapter 28

1.2K 25 1
                                    

CHAPTER 28

"A friend who loves and treats you more than a friend."
   -c.




"Reige!" Sigaw ko.

"Hindi halatang namiss mo ako, Gibrielle..." humalakhak siya.

Humiwalay ako sa yakap niya. "K-Kamusta ka?"

"I'm fine..." Ngumisi siya. "Ikaw?"

Hindi ako sigurado pero maraming nagbago kay Reige, nangunguna na sa pisikal na anyo. Posible pala 'yung mas gagwapo pa ang isang tao? Nasanay na siguro siya sa Korea. Saka kita naman sa balat niya, pumuti siya pero hindi ganun kaputian. Sakto lang na mapapansin dahil sa mahigit isang taon rin kaming hindi nagkikita.

"Okay lang din." Nahulog ako sa mga titig niya. "G-Gusto mong pumasok muna?"

"Ah, no." Umiling siya. "I just passed by to invite you tomorrow night sa house. Sort of a welcome party. I hope you could come... kayo..." He showed his white teeth.

"Sure..."

"So... alis na 'ko. Kita na lang tayo bukas."

Tumango ako saka ngumiti.

"I miss you, Gibrielle." Natigilan ako nang halikan niya ako sa pisngi saka umalis na.

WHAT? Am I going to think of that picture for the whole day? Ibi-big deal ko ba ang paghalik niya sa pisngi ko? Wala namang malisya iyon, diba? Bakit ko kailangan mabigla? Jeez.

Pumasok na ako ng bahay at tinanggal sa pag-iisip ko ang nangyari. Hindi pa nagtetext si Damon kung nakarating na ba siya sa condo niya. Ako na lang ang nagtext sa kanya para sabihin ang tungkol kay Reige. Ngayong nagpakita na si Reige, siguradong malalaman na ni Damon na nandito na siya. Ayokong maging dahilan pa iyon ng pag-aaway namin.

Me:

Reige is back and he's inviting us tomorrow night in his house. Are we going?

I hope pumayag siya. Tinabi ko na muna ang phone ko at nagpalit ng damit. Maya-maya lang ay uuwi na si Ate Hershey. Hindi ko alam kung nakauwi na ba si Naio dahil hindi ko pa siya napansin. Kinuha ko ulit ang phone ko para kontakin si Hunter pero ring lang ng ring. Nagtaka ako. Ilang ring lang kasi ay sinasagot na ni Hunter ang tawag ko pero busy siya ngayon. Ano kayang pinagkakabusyhan nun?

Lumabas na lang ako ng kwarto para tulungan si Tita Joy sa paghahanda ng dinner. Mabuti na lang nag-sando na ako dahil ramdam ko pa rin ang init sa loob ng bahay. Pinagpapawisan kaming dalawa ni tita. Ako na ang nagsaing habang hinahanda niya ang uulamin namin.

"Nakauwi na po ba si Naio?"

"Yes. Nasa kwarto lang."

Tumango ako.

"Bakit? Puntahan mo siya doon, alam ko naman sayo lang nagku-kwento ang anak kong iyon. Ako na ang bahala dito."

"Mamaya na lang, tita. Baka natutulog din 'yun..." Tinignan ko siya. "Ano po bang lulutuin niyo?"

"Binigyan ako ni Lola Nida ng patola. Naisip ko, lagyan ko na lang ng sabaw at may tira pang pork sa ref. Kumakain ka naman nito, diba?"

"Opo,"

Pinanood ko si Tita Joy na magluto. Sa ganitong paraan, natututo na rin ako kahit papaano. Habang nagluluto siya, pumasok sa kusina si Ate Hershey. Hindi niya kasama si Kuya Kai, baka busy nga talaga.

"Maaga ka yata?" Tanong ni tita.

"Sakto lang, ma. Matagal pa ba 'yan? Gutom na ako e."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon