Prologue

79 10 0
                                    

“Late na, late na, lagi na lang akong late.” Hindi ko mapigilang hindi mag-ingay dahil sa pagmamadali.

Lagi na lang ‘tong nangyayari. Ako lang naman ang mag-isa sa apartment. Walang hassle. Kain, tulog, aral, basa lang naman ang ginagawa ko pero bakit nale-late pa rin ako. Malapit lang din naman ang apartment sa school.

“Hindi,” kasabay no‘n ang paghinto ko sa pagtakbo nang may maalala.

Ilang nobela ba ang binasa ko? Lima? Sampo?

Tama, tinapos ko ang Ten Series ng isang nobela. Hindi ko alam pa‘no ko nakayanan ‘yon o baka nasanay na ako dahil laging gano‘n ang ginagawa ko. Mas gusto ko kasing magbasa ng series.

6pm ako nag-start mag-basa at natapos ako ng 3am. Dalawang oras lang ang naging tulog ko dahil 9:00 am ang pasok namin hanggang 5pm at kailangan ko pa rin‘ bumangon ng maaga

“Hindi maaari,” dahan-dahan kong binaba ang tingin ko sa bag na hawak ko nang hindi ko maramdaman ang project.

Kinapa-kapa ko pa dahil gusto kong masiguro, pero wala talaga. Hindi ako mapakali, para akong kiti-kiti dahil sa ang likot-likot ko. Hindi ko gusto ‘to, hindi ko na gustong may nakakalimutang project.

Wala ang project na ginawa ko.

Paano na? Ano nang gagawin ko? Uuwi?

Tama, wala akong ibang pagkakataon. Ilang beses na ba akong napapagalitan dahil sa hindi makapasa ng mga project ng tama sa panahon. Hindi ko na gustong hindi mapa-pasok.

Narinig ni‘yo? College na pero napapalabas pa rin.
Pero open gate, Hindi ba parang baligtad?

Hindi ko alam bakit ganito sa school na ‘to, pero ayos na, at least kapag emergency, makakalabas ka agad. Tumalikod na ako para luma...

“Victoria!”

bas...

Hindi ako natuloy sa akmang tatakbo. Nakataas na ang isa kong paa pero naiwan ‘yon sa ere.

Nilingon ko ang tumawag sa ‘kin—si Mia. Ang kaibigan ko simula highschool na nag-impluwensya sa ‘king mag-basa na naging dahilan para maging obsess ako sa mga character.

Gusto ko s‘yang sisihin, pero nagpapa-salamat pa rin ako dahil naging masaya ang buhay ko. Pero siya naman ang tumigil sa pagbabasa, pinamana niya sa ‘kin ang kabaliwan niya tapos iiwan niya ako.

“Anong ginagawa mo d‘yan?”

Pagtataka niya, dahan-dahan kong binaling ang tingin sa paa kong naka-taas pa rin.

Binalik ko ang tingin sa kan‘ya at ngumiti. “Jogging.” Tsaka ko sinimulang pag-palit-palitan ang mga paa ko.
“Jogging na hindi umaalis sa p‘westo, less pagod ‘di ba?” Dagdag ko pa.

“Nababaliw ka na naman.” Siya naman ang dahilan. Hinila na niya ako kaya nahinto ako sa ginagawa pero pinigilan ko siya nang medyo nakalayo kami. “Bakit?”

“Uuwi ako.”

“Uuwi?”

“Narinig mo ‘di ba?”

“Bakit?”

“Nakalimutan ko drawing ko!” Pasigaw kong binitawan ang huling salita at napa-hilamos sa mukha. “One week,” inangat ko ang mukha sa kan‘ya at tinaas ang hintuturo. “Walang araw na hindi ako pinapagalitan, walang araw na hindi ako nale-late, walang araw na hindi ko nakakalimutan ang drawing—”

“At walang araw na lagi kang huli mag-pasa ng mga projects. Binigyan ka ng pagkakataon pero lagi mong kinakalimutan. Bakit? Dahil na naman ba sa kabaliwan mo?”

Psh, kinakalimutan talaga? Hindi ba p‘wedeng hindi ko intensyon na gawin ‘yon.

Hinarap ko siya masama s‘yang tiningnan. “Alam mo kasalanan mo ‘to,” tsaka ko tinaas ulit ang hintuturo ko. “Kung sanang hindi mo pinakilala sa ‘kin ang pes... ang pes... ang pes... ah! Kainis. Hindi ko magawang murahin sila.” Nahilamos ko ulit ang mukha ko at yumuko.

Pigil-pigil niya ang tawa niya. “Tara na,”

“Hindi p‘wede, hindi ko dala—”

“Hindi papasok si Sir.”

“Totoo?”

“Totoo.”

“Yes! Magbabasa na lang ako!” Tsaka ako mabilis na tumakbo.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. May nabili kasi akong libro, shirt story lang pero nakuha no‘n ang atensyon ko.

Saan ba maganda tumambay?

Nilibot-libot ko ang tingin dahil gusto kong pumwesto sa lugar na ako lang. Malamig ang panahon kaya maganda ang panahon. Hindi ko gusto sa library dahil maraming tao at hindi malalabas ang kilig. Hindi rin p‘wede sa canteen, ayaw ko naman sa room dahil maingay sila kaya napili kong sa field na lang.

Talon-talon ako habang tinatahak ang daan pupunta do‘n. Pinili kong umupo sa dulo sa sulok dahil komportable.

Lagi akong handa, malaki ang bag na dala ko kaya kasya ang maraming pagkain at nag-latag ako ng sapin. Nagdala rin ako ng mini pillow.

Inayos ko na lahat ng pagkain at nilabas ang mga short stories. Magaganda rin ang mga ang mga short stories dahil mabilis lang at kapag natapos ko na sila, do‘n na ako sa novel length.

Magandang unahin ang kunti, para sulit ang marami. Kinuha ko na ang unang short story na pinlano kong basahin muna at tuwang-tuwang binuklat ‘yon.

Sa t‘wing nagbabasa, sarili ko ang ini-imagine ko bilang female protagonist. Masiyado ko rin‘ dinadala ang emosyon dahil gusto kong maranasan din ‘yon.

‘yong tipong nakasuot ka ng magandang white dress, messy bun, simpleng make up pero titingkad ang ganda mo.

Nakangiti habang tinatahak ang daan kung saan naghihintay ang male protagonist mo, ‘yong kayong dalawa lang ang nasa maganda‘t tahimik na lugar.

Maganda ang bituin ng gabi, masarap ang simoy ng hangin, mga palawit na nagniningning.

Lalapitan ka niya na may matamis na ngiti sa labi. Marahan at magaan ang hawak niya sa ‘yong mga kamay, dadalhin ka sa gitna na sinasabayan ng magandang musika.

Ang kamay niya naka-alalay sa beywang at sa malambot na kamay. Dahan-dahan ang bawat galaw sa pag-sasayaw hanggang sa pabilis ng pabilis at pabilis din ng pabilis ang pag-tibok ng puso.

Diretso ang tingin sa isa‘t-isa, parehong nakangiti. Ang paglalapit ng mga mukha. Ang mainit n‘yang kamay na humahaplos sa pisngi. Ang paghinto sa paggalaw dahil sa pagtititigan.

“I like you.”

“I like you t...”

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon