Epilogue

9 0 0
                                    

Kevin/Calvin‘s Pov

“We did it right?” I looked at her when she asked that happily.

“Yeah, we did it.” I answered.

“Pero nagsinungaling ka,” nilingon ko ulit siya. “P‘wedeng-p‘wede kang mabuhay kahit saan.”

“Kung sa fictional nga talo ako, sa tunay pa?”

“Si—”

“Hi guys! I‘m back!” Pareho kaming napatingin sa isa pa naming kasama.

“Kamusta?” Tanong ko, gumitna siya sa ‘min at inakbayan kami.

“Ayos na ang lahat. Kaso, na-miss ko lang sila. Gusto ko na lang mabuhay sa totoong mundo.”

“Bakit hindi mo gawin?” Si Mia.

“Ikaw? Bakit iniwan mo best friend mo?” Balik na tanong niya.

“Gustuhin ko man pero ito ang kinabibilangan natin kahit pa na tunay tayo—e hindi naman tayo normal dahil tayo ang fantasy.”

“Right, dahil dito tayo nabubuhay kaya hindi pa rin p‘wede. Lalabas lang tayo ulit kapag may bagong misyon.”

“Yeah, pero sana wala nang mission.” Both of them looked at me. “Hindi naman dapat mangyayari ‘to pero pinilit ni‘yong palitan pa ang plot. What makes you think to do that?” I asked him.

The Publisher.

“It‘s a challenge,”

Inilingan ko na lang siya. I can‘t believe that it all happened. And I don‘t want to happened it again. I‘m Victoria‘s classmate when we we‘re in kindergarten.

She‘s noisy and act like a man. Lagi s‘yang nakikipaglaro sa mga lalaki at nakikipag-away. Pasaway at lagi ko s‘yang nililista sa noisy at paraan ko ‘yon para kunin ang atensyon niya.

Pero natapos na lang ang mga iilang taon namin sa elementary nang hindi kami nagkaroon ng interaction. Hindi ko alam kung gano‘n lang ba talaga o nagkataon lang na isa ako sa mga kaklase niya na hindi nabigyan ng pagkakataong maka-usap o makalaro.

I always wanted to play with her and approach her, pero duwag ako no‘ng mga bata pa kami. Siga kasi kung kumilos at natatakot na baka patumbahin din niya katulad ng ginagawa niya sa iba.

Do‘n ko rin na-diskobre ang kakayahan na meron ako at nang malaman ang tungkol sa libro ni Lorence Garcia, I grab the chance, the opportunity.

At masaya ako, masaya ako kahit sa panaginip lang, masaya ako kahit sa sandaling oras lang at gustuhin ko mang manatili pero alam kong wala rin‘ pagkakataon.

Ang sarap alalahanin ng mga nakaraan. Tulog na sina Mia at ako na lang ang gising. Tumambay ako sa veranda at minasdan ang magagandang bituin sa langit.

Sana dumating ang pagkakataon na makilala siya sa ibang pagkakataon. Naniniwala ako sa second life, dahil tao pa rin kami at normal.

At sa second life, sana kami na. K‘wento na namin ang mga nakasulat. Bumuntong hininga ako at nagbaba ng tingin.

We‘re living in small palace that floating in the sky. Ginamit ko ang laser ng mga mata ko para panoorin siya. Napatawa ako nang makita na bumalik siya sa pagtulog.

She‘s cute.

Napangiti ako sa ayos ng tulog niya, parang lalaki talaga.

Right, isang oras lang nang mangyari ang lahat. At ang pagtulog niya, ay tunay na. Dahil ang mga naging tulog niya sa t‘wing pumapasok siya ay cut na, kaya lagi s‘yang puyat.

I don‘t want to do that, but I just want to feel her.

Kahit sa panaginip lang.

It‘s hurt, but we can‘t do anything.

Hindi ako natulog at hindi tumigil sa panonood sa kan‘ya hanggang sa mag-umaga na.

Bumangon na siya at nag-asikaso para sa pag-pasok.

Paniguradong late na naman siya.

But I am thankful for this chance.

Victoria Vin, thanks for Meeting You.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon