Chapter 18

7 0 0
                                    

A/N: Light Scene

Refreshing mind

Victoria‘s Pov

Sinandal niya ako sa likod ng pinto at walang sabi-sabing hinalikan. Hindi agad ako nakagalaw, nagulat ako at napa-react dahil sa paghila niya sa ‘kin.

Wala naman akong ibang kasama rito kung‘di si Zander lang. Alam ko na rin ang amoy niya. Ang halik niya, gano‘n pa rin. Magaan at mababaw ang paggalaw ng labi niya.

Gusto ko s‘yang itulak pero hindi ko magawa—hindi, ayaw ko lang talaga na itulak siya kasi... kasi gusto ko rin ang ginagawa niya.

Humigpit ang yakap niya sa beywang ko at dinikit pa ako sa kan‘ya. Hindi ko na napigilan at tinugunan ang halik niya. Napayakap na rin ako sa leeg niya. Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at naglakad siya.

Naramdaman kong inupo niya ako sa study table. Nahihirapan na ako dahil sa tension. Gusto kong idikit ko pa ang sarili ko sa kan‘ya. Lumalalim na rin ang paghinga ko.

“You‘re driving me crazy Victoria.” Bulong niya habang nakadikit ang labi niya sa labi ko.

Kapag sandaling humihiwalay ang labi niya para ilipat ang ulo niya hinahabol ko agad ang labi niya. Gano‘n din ang nararamdaman ko. May nararamdaman akong kakaiba sa baba na gustong... gustong idikit sa kan‘ya.

Binuhat niya ulit ako at naramdaman ko na lang na may malambot sa likod ko. Nasa kama niya kami at nasa taas ko siya.

Mapupungay ang mga mata niya, gano‘n din ako sa kan‘ya. Walang nagsalita sa ‘min nang halikan niya ako ulit. Napapa-react ako dahil sa nararamdaman. Gumalaw din siya kaya naramdaman ko siya.

“Be mine Victoria. My feelings for you is real, kahit panandalian lang. Gusto kong sulitin Victoria.”

Lumayo siya ng kunti nang sabihin ‘yon. Tumango ako at nginitian siya. Sumilay na rin ang ngiti sa labi niya bago niya ulit ako halikan.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako inaantok. Nakatakip ang buo kong katawan at mata ko lang ang pinapakita ko. Hindi mawala sa ‘kin ang halik na ‘yon. Tama, hanggang do‘n lang dahil hindi naman p‘wede na gawin ang bagay na ‘yon.

3 am na pero gising pa rin ako, medyo nakaramdam din ako ng hiya. Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharapin bukas pero siya naman ang gumawa no‘n kaya hindi ako ang dapat na mahiya pero parang gano‘n pa rin.

Maaga pala pasok niya.

Sige, hindi na lang ako babangon agad para hindi siya mabungaran. Nauna pa ‘yong bagay na ‘yon kesa sa makapag-usap kami ng maayos pero mangyayari rin naman ‘yon kapag nand‘yan na.

Pinikit ko na ang mga mata ko para matulog pero ayaw talaga akong patulugin. Napa-sipa rin ako dahil do‘n. Inaantok na ako pero hindi ako pinapatulog.

Nang-bibigla kasi siya. Iniisip ko tuloy, kung paano niya ipapakita ang love niya kay Parisa kapag sila na ang mag-kasama.

Tama kayo ng nabasa, hindi pa naipapakita ang love story ni Zander at Parisa, dahil ang sabi ni Lorence, nasa Season II pa raw.

Nakakalungkot man isipin, pero wala naman akong magagawa.

Binabawi ko na ang mga sinabi ko, gusto ko na dito. Ayaw ko nang umalis. Gusto ko na si Zander. Gusto ko na s‘yang makasama.

Tama, dito na lang ako. Pipiliin ko na lang ang fiction.

Unti-unting pumikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako.

++++++++++

Zander‘s Pov

Hindi ko mapigilang ngumiti. Hawak ko pa rin ang labi ko at minsang-minsang dinidilatan. Ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya. Wala sa plano ko ang gawin ‘yon pero hindi ko na napigilan. Hindi ko na matiis.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon