Chapter 17

6 0 0
                                    

Worried or Fake?

Zander‘s Pov

Ngumiti lang ako nang umalis siya. Pinasadahan ko ang ilong ko at binalik ang tingin sa laptop. Umalis na rin si Angelica, mukhang naramdaman siguro niya.

Pero tinigil ko rin dahil hindi ko mai-focus. Sumandal ako sa swivel chair at humangad. Sa t‘wing naaalala ko ang mga sinabi niya nasasaktan ako.

(“You‘re not real.”)

(“You‘re living in fiction.”)

(“You‘re just created by a real human.”)

Victoria, anong ginawa mo sa ‘kin?

Hindi ko napansin na nakatulog ako. Nagising lang ako sa tunog ng cellphone.

Unknown?

Hindi ako sumasagot ng unknown calls. Paulit-ulit na gano‘n ang nangyayari hanggang sa mag-send siya ng message na nakapagpa-pahinto sa ‘kin.

Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng office. May mga bumati pa sa ‘kin pero hindi ko pinansin. Mabilis akong sumakay ng sasakyan para puntahan ang hospital na sinend ni Kevin. Sinabi na rin niya ang room number.

Malapit lang kaya hindi ako nahirapan. Mabilis kong narating ang room na pinag-dalhan kay Victoria. Wala rin akong nakita sa nakaupo sa labas.

Sumilip ako sa pinto at nando‘n si Kevin. Wala akong paki-alam, basta na lang akong pumasok. Pareho pa silang napatingin sa ‘kin.

“Lalabas muna ako.” Sandali n‘yang tiningnan kay Victoria at ngumiti tsaka siya tumayo.

Tinapik niya ako sa balikat nang madaanan ako. Pinakiramdaman ko muna ang tunog ng pinto na nakalabas na siya bago ko siya tiningnan.

“What happened to you?”

Nalipasan lang ng gutom.” Naglakad ako palapit sa kan‘ya at umupo sa inupuan ni Kevin...

“How are you now?”

“Kumain na.”

Gusto kong ipakitang nag-aalala ako pero wala namang dahilan para gawin ‘yon. Pumunta lang ako dahil wala naman s‘yang ibang kilala at p‘wedeng mauwian.

“Ito lang pala, akala ko naman kung ano na.” Tumayo ako para iwan na siya. “Babalik na ako, marami pa akong kailangang gawin.”

Tumalikod na ako pero hindi ako natuloy sa paghakbang nang hawakan niya ang kamay ko.

“Galit ka pa rin ba?”

“No,” tsaka ko siya hinarap. “Ginagawa ko lang kung ano talaga ako.”

Hindi ko na siya pinagsalita at lumabas na. Napatayo si Kevin nang makita ako.

“Take care of her. Send her home. Hindi ako makakauwi agad.”

“Dahil ba ‘to sa pagtawag ko sa kan‘ya?”

“Bakit mo naisip na ‘yon ang dahilan?”

“Hindi ka kikilos nang gan‘yan kung hindi.”

“This is the real me. Alam kong may alam ka na.” Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tumuloy na.

Pagdating sa office, ginawa ko ang dapat na gawin. Hindi ako nagpa-distract. Dito lang dapat ako mag-focus. Pero minsang-minsan, napapahinto ako.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon