Chapter 6

25 4 0
                                    

He Knew

Victoria‘s Pov

“Victoria anak!”

Anak?

Psh, pinalayas nila ako sa edad na 16. Tapos parang wala lang. Lumapit sila sa ‘kin at niyakap-yakap ako pero hindi ko sila niyakap pabalik.

“Kamusta? Na-miss ka namin. Dalaga ka na talaga.”

Tumango lang ako at lumayo na sa kanila nang bitawan nila ako.

“Wala po bang pagkain?”

Nawala ang ngiti nila dahil sa sinabi ko. Hindi ko kasi sinagot ang pangangamusta nila. Akala mo nasa bakasyon lang. Apat na taon, tapos ganito lang reaction nila?

“A-ah, m-meron. Meron, nag-handa ako dahil darating ka.” Si Mama.

Ngumiti ako at pamuntang kusina. Marami ngang naka-handang pagkain. Akala mo fiesta. Pero inalis ko ang pagka-excite na makita ang mga pagkain nang maramdaman sila sa tabi ko.

Wala lang ba talaga sa kanila ang apat na taon at ang ginawa nila?

“Hindi ka muna ba magpapalit ng damit? Galing ka sa byahe—”

“Hindi po sagabal ‘yon.” Tsaka ako kumuha ng plato sa counter, dinaanan ko lang din sila. “Ginagawa ko pong pang-bahay ang school uniform.”

Alam ko naman na nakasunod ang tingin nila sa ‘kin kahit hindi ko tingnan. Hindi ko rin pinansin ang reaction nila sa sinabi ko. Dahil totoo naman, hindi ko inaalagaan ang corpo na ‘to dahil hindi ko ‘to gusto.

Kain na kain ako habang sila nakatingin sa ‘kin. Alam kong hindi tama na pakitunguhan sila nang ganito pero kung paano nila ako paalisin dahil nalaman nilang mag-aaral ako ulit para i-take ang Architecture na gusto kong maging profession.

“Ah, s-sige, iwan ka muna namin. Pagkatapos mo may sasabihin kami.”

“Okay.”

At hindi ko alam anong dahilan nila bakit nila ako pinapunta dito.

Hindi na ako nasanay sa ambiance.

Apat na taon na ang pananatili ko sa apartment sa Manila. Okay sige, na-miss ko ang bahay na ‘to pero hindi ang mga nakatira at hindi ko na kayang ipakita ang pagka-excite.

“Naiintindihan kita Victoria,” hindi ko pinansin si Jake, sumunod din siya at hindi umalis. “Pero hindi tama—”

“Hindi ka ba nagugutom?” Lingon ko sa kan‘ya, “Masarap kumain, mahaba ang byahe natin. Sasandukan kita—”

“Victoria,” nakatayo na ako pero hindi ako tumuloy dahil sa paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko.

Nakatalikod ako sa kan‘ya pero hindi ko siya pinansin. Umupo ako na parang wala lang at tumuloy sa kain.

“Alam mo—”

Binitawan ko ang manok na kinakain ko at naiinis s‘yang hinarap.

“Para namang hindi mo alam.” Nakatingin lang siya sa ‘kin. “Nasasabi mo ‘yan kasi hindi mo nararamdaman. Bakit? Anong gusto mong gawin ko? Kamustahin sila pagkatapos nila akong paalisin?”

“Bakasyon ‘yon, ako lang mag-isa ang bumiyahe. Naliligaw pa ako. Ako lang ang tumulong sa sarili ko na makapag-enroll. Hindi na nga p‘wede kasi fourth year na!” Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. “Pero nakiusap ako.”

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon