Chapter 8

25 2 0
                                    

Confession

Victoria‘s Pov

“What‘s wrong with you?”

Nilingon ko siya. Nasa sala kami at nanonood ng cartoons na paborito namin. Nagluto siya ng popcorn at fries kaya masarap manood ng ganito habang may kinakain.

Magkatabi kami sa mahabag sofa. Naka-indian sit ako at nasa hita ko ang throw pillow.

Mahilig talaga s‘yang umupo nang naka-cross arm, kapag naman nakatayo nasa bulsa ng pants niya ang isang kamay.

Pero hindi ko siya kinakausap simula pa kanina dahil hanggang ngayon, naiilang pa rin ako. Kaya lang kanina niya pa ako tinatawag kaya nilingon ko na lang siya.

“Ano ‘yon?” Kunwaring tanong ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin habang nakangiti.

Shoot, alam kaya niya?

Kahit naman na alam na niya o nahahalata na niya, hindi ko pa rin ipapakita. Dahil gaya ng sabi ko, hindi ako katulad ng ibang babae na masiyadong halata kapag nand‘yan ang crush nila.

Gusto kong maging natural lang. Madali naman sa lalaki na malaman ‘yon pero kapag babae mahirap. Ang galing kasi nilang magtago ng emosyon at ng nararamdaman.

Pero ang unfair lang minsan na kapag gusto lang naman ang nararamdaman ng lalaki sa babae, pinapakita nila na nagseselos sila kapag may kausap na ibang lalaki at iniiwas pa nila. Magagalit sila, kung makapag-tanong akala mo may sila.

Pero kapag babae, magagawa ‘yon. Unfair ng emosyon. Dahil babae kaya siguro gano‘n at lalaki sila kaya natural ‘yon.

Turn off din kasi sa babae kapag kumilos nang gano‘n.

Kung saan-saan na ako napupunta. Hindi ko na talaga makilala sarili ko. Nineteen pa lang ako pero wala na. Hindi ko na rin makita na makulit ako at pasaway.

“You‘re cute.”

Psh, lagi namang gano‘n ang naririnig ko sa mga series at nababasa sa libro.

Tapos ano? Kikiligin?

“Matagal ko nang alam.” Sagot ko sa kan‘ya at binalik ang tingin sa TV.

Pero nalingon ko siya dahil tumawa siya. “Dahil ba matutupad na ang gusto mo kaya hindi ka na makulit?”

Hindi ‘yon tanong. Gusto ko tuloy i-kwento sa kan‘ya ang mga nangyari kaso, okay na sigurong ako at si Mia na lang ang nakaka-alam. Sasabihin ko rin kapag handa na.

“Gano‘n na nga.”

“But you‘re still a little for me.”

“You‘re just tall.”

Sinasagot ko siya habang nasa TV ang tingin pero napalingon ako sa kan‘ya nang kunin niya ang popcorn sa ‘kin.

“Ano bang mga binabasa mo?”

“Bakit bibilhan mo ‘ko?” Ngiting aso ko s‘yang tiningnan.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon