Chapter 20

7 0 0
                                    

Love of Pain

Zander‘s Pov

Umuwi ako pero hindi ko siya nadatnan. 10 pm na nang mapatingin sa orasan. Wala akong gana, hindi ako ginanahan na mag-palit ng damit, maligo o kumain.

Nasa pinto lang ako at hinihintay siya, pero umabot na ng alas tres ng madaling araw wala pa rin siya. Para akong babae sa pagtulo ng luha. Bawat punas may panibago.

Why?

Why so sudden?

Nasabi niya ang pagkakaiba ng panahon at oras namin kaya sinunod ko ang bilang ng araw sa mundo nila dahil sinasabayan ko ang araw na aalis siya.

I forgot everything. I forgot what are we! I almost forgot what is my life, my real life. I forgot that I am a fictional character. I‘m not real, she‘s real and we can‘t, but I can‘t let her go.

(“You‘re a fiction.”)

(“You‘re living in the book.”)

Napa-ayos ako ng tayo nang marinig ang tunog ng gate. Hindi ako umalis at abang na abang sa kan‘ya. Nagulat siya nang makita ako rito pero binawi rin niya. Nilipat niya ang tingin sa kung saan at nilampasan ako na parang hindi ako nakita. Sumunod ako sa kan‘ya at pinigilan siya bago pa siya maka-akyat sa taas.

“Victoria,” hindi niya ako tiningnan. “I‘m sorry.” Do‘n ko nakuha ang atensyon niya dahil dahan-dahan s‘yang nag-angat ng tingin sa ‘kin. “Naging selfish ako, hindi ko inisip na—”

“Okay lang,” ngumiti siya. “Naiintindihan ko kasi gano‘n din ang nararamdaman ko.” Maayos na s‘yang nakaharap sa ‘kin. Pinunasan ko ang luha niya nang sunod-sunod na tumulo ang mga ‘yon. “Hindi ko rin gusto, ayaw ko rin pero... hindi mapipigilan.”

“Babalik pa rin kung saan tayo.” Niyakap ko siya at gano‘n din ang ginawa niya. “Zander, limang oras na lang at apat na araw ang katumbas no‘n.” Napa-higpit ang yakap ko sa kan‘ya.

Nalaman ko na rin ang oras nila. 60 seconds per minute. 50 minutes per hour. Napatingin ako sa wall clock. 3 am pa rin.

“Victoria, gawin natin lahat bago tayo bumalik.”

Tumango siya. Nagluto ako ng mga kakainin para sa movie marathon. Kahit madaling araw na, namasyal pa rin kami. Kung saan-saan kami pumunta.

Halos libutin na namin ang buong lugar, binibili namin lahat ng pagkain na gusto naming kainin. Naglaro, amusement park at kung saan-saan pa.

Hindi ko siya hinihiwalay sa tabi ko. Hindi ko gusto kahit ilang centemeter lang. Pero sa loob loob ko para akong pinapatay, parang pakiramdam ko katapusan ko na. Habang umaandar ang oras natatakot ako, dahil ilang oras na lang wala na siya.

Ngumiti ako kahit hindi ko kaya. Ayaw kong ipakita na nanghihina rin ako katulad niya. Sa park ang huli naming punta. Kaming dalawa lang at alas kwatro na ng umaga.

Hinayaan ko s‘yang maglaro ng saranggola na binili niya. Nakangiti ako habang pinapanood siya. Ano bang ibig sabihin nito, why he created me and hurt me like this.

I didn‘t regret that I met her. Pero sana hindi na lang nangyari ang bagay na ‘to. Hindi sana kami magkakalayo at masasaktan nang ganito.

++++++++++

Victoria‘s Pov

Nakaupo kami sa bench at parehong tahimik. Parehong naming hindi kaya ang magsalita. Pareho naming hindi kaya ang maging masaya pa.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon