Chapter 16

4 0 0
                                    

Sincerity

Jake‘s Pov

“Hanggang kailan mo gagawin?”

“Malapit na.” Sagot niya.

“You manipulated her!”

“It‘s her fate.”

“Fate? Really?”

Prente s‘yang nakaupo habang naka-de-cutro. Naka-tukod ang parehong siko niya sa magkabilang gilid ng swivel chair at may hawak na libro.

“Hindi ko maintindihan ang kilos at pananalita mo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mo.”

Minsan masungit siya, snobber, galit, seryoso at malamig kung minsan.

“You act like you did nothing.” Tumayo siya at sinara ang libro.

Maiintindihan mo rin.”

“Ako ang dapat na kumikilos nang gan‘yan hindi ikaw. Inangkin mo talaga.”

Dinaanan niya ako pero hinila ko ang balikat kaya napaharap siya sa ‘kin.

“May sarili ka naman, bakit mo ninanakaw?”

May natamaan ako. Nag-iba na ang expression niya. Pero hindi ako matatakot dahil totoo naman.

“Hindi ko ninanakaw.”

“Anong tawag mo sa ginawa mo?”

“Hindi ko ‘to gusto. Sasabihin ko rin ang lahat. Sa ngayon, hayaan mo munang hawakan ko.”

Pa-salamat ka, kapatid kita.”

Hindi niya ako pinansin at tumalikod na. Napa buntong hininga ako dahil sa inis sa kan‘ya. Pero mas inaalala ko si Victoria.

Wala akong pina-alam sa pagkawala niya dahil ayaw kong kumalat ang balita. Makakaya kong hanapin siya nang ako lang.

This is not good. Malapit na ang entrance exam niya. Pero hindi ko alam kung makaka-graduate siya dahil sa mga naging absents niya.

Damn it!

Where are you Victoria?

Napaupo ako sa higaan at napa-hilamos ng mukha. If I found you, I‘ll tie you on my bed.

++++++++++

Zander‘s Pov

Five pm nang mapatingin ako sa orasan. Kanina pa silang umaga wala. Ang kulit ng babaeng ‘yon. Alam kong walang mali sa photoshoot na ‘yon.

Pero halata naman na natitipuhan ni Kevin si Victoria. Lagi pa s‘yang nakangiti. Ginawa ko na lahat para ilibang ang sarili ko pero hindi ko magawang hindi pa rin siya isipin.

Ano bang mga pose nila?

Yakap? Malapit na mukha? Kandong?

Huli na ‘to. Hindi na p‘wedeng maulit. Hindi ko na hahayaan. But when I told her that I like her, It‘s like nothing to her.

Mabilis akong napatayo nang bumukas ang pinto. Nakangiti pa siya. Mabilis akong humakbang palapit sa kan‘ya dahilan para mapa-angat siya ng tingin sa ‘kin.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon