Chapter 4

25 4 0
                                    

The Author

Victoria‘s Pov

“Imposible!”

Napatayo ako sa gulat dahil sa nakita. Maayos kong nilibot ang tingin sa kabuuan dahil hindi ako makapaniwala. Nasa ‘kin din ang tingin nilang lahat pero huminto ‘yon kay...

“Victoria Vin!”

Sir...

“Anong sinisigaw-sigaw mo d‘yan? Hindi ka na nga pumasok ng tatlong araw—”

“Tatlong araw?!”

“Bakit? Hindi mo alam?” Nagpalakad-lakad siya sa harapan. “Ano ba Victoria? Studyante ka ba?”

Tatlong araw sa loob ng chapter 1?

Pero, paanong nakarating ako sa mundong kinabibilangan ko? Paano ako nakabalik?

Sa school pa talaga dumiretso. Lagi na lang hindi maganda ang mga tagpo ko.

“One thousand words of self critism.” Nai-angat ko ang tingin kay Sir.

“Po?!”

“May reklamo? Huli kang uuwi, magte-take ka ng quiz, ikaw rin ang maiiwan para linisin ang room. Ikaw lang mag-isang gagawa no‘n. Inaatasan din kitang i-check ang mga test paper—”

“Sir—”

Eighty items. Identification!” Magsasalita pa sana ako pero tinaas niya ang kamay niya.

Twenty items lang ang dapat na quiz at multiple choices.

“Tinatawagan ka namin pero hindi mo sinasagot. Naghihintay kami ng excuse mo pero wala kang pina-abot sa mga kaklase mo o kay Mia.”

Dahan-dahan ko s‘yang nilingon sa tabi ko. Alam ko ang mga tingin na ‘yon.

“Upo!”

Kasabay ng pag-upo ko ang pag-palumbaba ko. Nasa harap ko si Mia at nasa canteen na kami. Ito na yata ang tambayan ko kapag may problema. Lagi na lang kasi akong dinadala rito ni Mia.

Kainan ‘to hindi bagsakan ng kalungkutan.

“Hindi mo ba ako ginawan ng excuse?”

“Paumanhin kaibigan, hindi kita kukunsintihin.”

Tsaka niya hinalo-halo ang spaghetti na in-order niya. Hindi rin siya nakatingin sa ‘kin nang sabihin niya ‘yon.

“Saan ka ba kasi galing?”

Tsaka niya binitawan ang shake niya at tumingin na sa ‘kin. Napansin siguro niya ang pananahimik ko kaya hinarap na niya ako ng maayos.

Pumunta ako sa apartment mo pero wala ka, wala kang iniwan na message. Tingin mo, paano kita hahanapin?”

“E hindi mo ba ako p‘wedeng gawan ng excuse letter? Kahit white lies lang? Malay mo pala kung na-aksidente ako o nakidnap.”

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon