Chapter 9

25 2 0
                                    

Fiction vs Real World

Victoria's Pov

"Nasaan ako?" Nilibot ko ang tingin sa kabuuan.

Madilim at tahimik ang street, tiningnan ko ang suot ko at nag-iba. Ang suot ko ay ang suot ko no'ng... pero bakit...

"Sandali,"

Nasa bagong bahay kami at pumunta si si Jake sa k'warto ko. Sinabi n'yang gusto niya rin ako. Tapos nag-good night kami sa isa't-isa.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 8pm. Kinuha ko ang cellphone ko pero nawala ang ibang apps. Binalik ko ang tingin sa kabuuan.

Ang street na 'to, ang mga bahay.

"Bumalik ako?!"

Teka? Paano? Bakit?

Wait, ito 'yon, ito 'yong street na...

"Pinuntahan ko nang paalisin niya ako." Lumingon ako sa likod ko.

Tama, umupo ako sa bench na 'to at napa-idlip. Tapos paggising ko nasa school na ako-sa totoong mundo.

Hindi ba bumalik ang araw, "Hindi maaari," ibig sabihin natapos na ang pitong araw na binalik at nasa kasalukuyan na ulit, kasalukuyan kung saan ang araw na pumasok ako sa libro.

Ibig sabihin, dapat nasa bagong bahay ako kasama si Jake bago ito mangyari?

Kung gano'n, karugtong pa rin kahit umulit ang panahon...

Three days akong absent nong araw na 'yon pero galing ako sa libro.

Paanong nangyari 'yon?

"Hindi kaya fictional talaga ako?"

Tumawa ako at pumalo-palo sa hita ko.

"Ako fictional?"

Pero paano nga ba nangyari.

Oo nga pala, nakalimutan ko. Sinabi ni Lorence lahat-lahat.

"Victoria?"

Lumingon ako sa gilid ko 'di kalayuan sa 'kin. Dahan-dahan s'yang naglakad hanggang sa makalapit siya sa 'kin.

"I-i found you." Bigla niya na lang akong niyakap, mahigpit ang yakap na 'yon. "I'm sorry. I'm sorry."

"Pumunta ako sa apartment na sinasabi mo pero wala ka do'n. I've been looking for you for hours."

Nasa chapter one pa rin kami. Control pa rin pero may hint pa rin kung kailan mag-sisimula ang sunod na chapter.

"Victoria,"

Sana hindi na ulit mangyari ang pag-balik ng araw. Pero sana rin hindi na lang niya ginawa 'to. Ginawa niyang ibalik dahil 'yon ang dapat pero binawi niya kaya nandito ako ulit.

Aayusin din daw niya ang lahat-lahat at wala nang mangyayari pagbalik ng araw. Pag natapos ang galaw ko rito, ibabalik na niya ulit.

"Let's go home."

"Oras?"

Hindi kami natuloy sa paghakbang nang itanong 'yon.

"Three hours kang wala. Hindi ko gustong sabihin 'yon. I'm worried."

Worried?

O baka dahil iba pa rin ang galaw nila at oras dito. Ano ba ang tatlong oras sa kanila...

Ang three days kong wala na sinasabi ni Sir ay kasama sa one week na bumalik, ibig sabihin ang pagpasok ko sa libro bumalik na ang araw.

At ang chapter ko rito three days at sa school ako agad dumiretso at tulog. Ibig sabihin ang tatlong oras na sinasabi niya ay katumbas ng apat na araw pang natitira sa loob ng isang linggong binalik.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon