Chapter 3

40 8 0
                                    

Her Lies

Victoria‘s Pov

Mahaba ang listahan, at hindi ko alam paano sila bibitbitin. Hindi niya ba ako p‘wedeng tulungan?

Sabagay, ang maging katulong niya ang sinabi ko. Kung sanang sinabi ko na lang na maging employee sa pinapasukan niya, ayos pa.

Gusto ko ang mag-drawing at mag-paint.

Psh, opportunity na sana, kahit sana fiction ko lang maramdaman ang gumuhit, gusto ko kasing mag-benta ng mga paintings.

“Need help?” Nilingon ko ang nasa gilid...

Hindi nga,

“Kevin?”

“Kilala mo ako?”

Oo nga pala.

Siya si Kevin Flores, ang second male protagonist ni Parisa. Mabait siya, masiyahin at friendly. Gano‘n naman kadalasan ang role ng mga second male protagonist.

“Uhm... naririnig at nakikita kita sa magazine.”

Tama, model siya at marami ang humahanga sa kan‘ya.

Marami ang kumukuha sa kan‘ya dahil bumebenta ang mga pinag-mo-modelan niya. Hay! Bakit kaya ang mga tao do‘n lahat sa mga magaganda at g‘wapo, lahat naman ng tao may pangarap, ‘wag naman sanang tanggalan at ipamukha na hindi sila ang dapat na nando‘n kasi hindi sila pasok sa standard.

Malinis ang hitsura niya, lagi s‘yang maayos at presko. Laging maayos ang buhok niya at ang mga damit niya, laging aesthetic.

Professional siya kapag nakikipag-usap at para rin s‘yang rumarampa pag-naglalakad. Kahit hindi siya nakangiti, mukha pa rin s‘yang nakangiti. Iba kasi ang dala ng vibes ng features niya.

Pero parang ang mali yata ang pakikipag-usap ko sa kan‘ya. Parang ang biglaan kasi, hindi naman kami magka-kilala. Pati siguro ang pagiging feeling close nadadala ko na kung saan.

“Uhm, really?” Humble na saad niya, tumango-tango naman ako.

“Hindi ka ba pagkaka-guluhan? Ikaw lang ang mag-isa at wala ka pang mask.”

Tumawa lang siya at kinuha ang mga plastic na nasa semento. “Not really.” Nakangiting saad niya.

Isa sa gusto ko sa kan‘ya ang pagiging humble niya.

Wala s‘yang pinipili, lahat tinutulungan at kinakausap niya. Hindi siya maarte at maselan. Napasunod ako sa kan‘ya na nanlalaki ang mga mata nang ilagay niya ang mga plastic sa compartment ng sasakyan niya. Ngayon ko lang napansin na kinuha niya ang mga plastic sa semento.

Bigla-bigla na lang din kasi s‘yang tumutulong.

Hindi ko na rin kailangan na i-describe pa, dahil alam ko na na sasakyan niya ang nasa gilid ko lang kanina. Dahil alam ko naman.

Porsche na red.

Astig ang kulay, bagay sa ka-coolan niya. Makintab na makitantab. Hindi na rin ako magugulat sa ganda ng sasakyan niya dahil lumabas na ang pagkamangha ko no‘ng mabasa.

Napatingin din siya sa ‘kin dahil sa biglaang pagtabi ko sa kan‘ya.

“Bakit nilagay mo d‘yan?”

Ihahatid kita—”

“Hindi,” pinigilan ko ang kamay niya nang kukunin niya ulit ang dalawa pang plastic.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon