Chapter 5

28 3 0
                                    

Crush

Victoria‘s Pov

“Job well done Victoria, you got 70 on your punishment quiz.”

Pumalakpak ang mga kaklase ko. Napasaya ko rin si Sir, nabawasan ang wrinkles niya.

“Thank you, thank you.”

Kailangan i-feel, minsan lang makakuha ng mataas na score na galing sa pandadaya.

Alam kong mali, pero memory ko ‘yon, hindi mapipigilan.

Sawa na akong pahirapan ang sarili ko.

Pero, sinearch ko ang biography ni Lorence Garcia. Highschool pa lang gusto na niya ang pagsusulat. Ngayong graduate na siya, nagta-trabaho siya bilang checker sa mga works na nagpapasa para ifilm.

Film Business.

Napangiti ako sa nabasa ko, parang tuloy ayaw ko nang ituloy ang Architecture, na-inspired ako bigla. Oo nga naman, bakit hindi ko agad naisip.

Ang daming business na bagay sa gusto kong maging. Napa-sagot ako sa tanong ng isang teacher namin dahil naalala ko ang mga senesell na mga books at naisip ko rin bigla ang mga novel adaptation.

Maganda ang film business, at hindi ko rin alam kung bakit nasiyahan akong isagot ‘yon at naging proud nang sabihin ko na screen writer ang papasukan ko kung sakali.

Pero since gusto ko pa rin ang arts, p‘wede naman akong pumasok sa business arts. Ang dami naman pa lang paggagamitan. Akala ko kasi, tinda-tinda lang.

Kesa sa mag-aral ako ulit, bakit hindi ko na lang hayaan ang matatapos ko. Pero kung sakaling makakaharap ko sila mama at papa. Hindi ko pa rin maipapakita na okay na ako. Dahil hindi pa rin buo na tanggap ko na.

25 years old na si Lorence pero ang mature na ng katawan niya. Maganda rin ang height niya. Inosente at soft ang features niya. Hindi mahahalata na author siya dahil sa physical appearance niya.

“Congrats,” napahinto ako sa paglakakad at nilingon ang umakbay sa ‘kin.

Inakbayan ko rin siya at nginitian. “Alam kong dahil ‘yon sa bumalik ang nakaraan at may ala-ala ka kaya nadaya mo.”

Oum, alam na niya dahil nag-usap ulit kami.

Hindi lang daw niya narealize dahil hindi naman siya nakikihalubilo. Alam ko ‘yon.

“Gusto ko talaga ng compliment galing sa ‘yo Mia, nakaka-motivate.”

“Talaga?”

“Oo naman, isa ka sa nag-motivate sa ‘kin.”

“Nakakatuwa naman.” Tumango-tango ako sa pagiging sarcastic namin.

“Oh, hi Victoria.” Pareho kaming huminto nang nasa harapan namin si...

Hindi ako kumikilala ng ibon.

Mukha kasing ibon ang babaeng nasa harapan ko. Kaaway ko rito sa school. Siya lang ang kaaway ko rito, dahil lahat ng studyante rito mahal ako.

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon