Chapter 13

11 0 0
                                    

Soft Lips

Zander‘s Pov

“Where‘s Victoria?”

“Ayaw niya.”

“What?!”

Tumayo siya sa upuan niya at naglakad palapit sa ‘kin.
Hindi ko gustong ipa-alam sa kan‘ya dahil ayaw ko s‘yang mag-alala pero malalaman pa rin niya.

Kaya inutusan ko siya na puntahan si Victoria. I want her here. Alam kong gusto n‘yang saktan si Victoria but I threatened her.

“Bakit kasi kailangang siya pa ang nandito? May pinagkaiba ba ‘yon sa ‘kin?”

“Meron,” seryoso ko s‘yang tiningnan. “Gusto ko siya.”

“Hindi—”

“Gusto ko si Victoria, gusto ko ang babaeng ‘yon.”

“Pero—”

“Nag-usap na tayo ‘di ba?” Hindi siya nagsalita at lumabas ng k‘wartong ‘to.

Bakit hindi ka pumunta Victoria?

I‘m totally fine, pero bukas pa raw ako makakauwi. I want to go home now.

Babangon na sana ako nang bumukas ang pinto. Maya-maya pa, napangiti ako dahil nandito na siya.

“Uhm... bumili ako ng soup.”

Tumango ako tsaka siya naglakad palapit sa p‘westo ko at nilapag ang hawak niya sa mesa at tinulungan niya akong bumangon.

Humila siya ng upuan at tinabi sa ‘kin tsaka niya kinuha ang tupperware.

“Kaya mo bang kumain mag-isa?” Kaya ko pero umiling ako, I want to be fed by her.

Ngumiti siya at tumango tsaka niya binuksan ang takip at sumandok, napangiti ako nang itapat niya sa bibig ko ang kutsara.

“Oo nga pala, bakit lumabas si Angelica?”

Nandito siya?

“Nandito ka?”

Tumango-tango siya. “Pinuntahan niya ako at sinabing nandito ka.”

“Bakit hindi ka pumasok?”

“Dahil... dahil...”

Ito ang ayaw ko sa kan‘ya, hindi niya tinutuloy ang mga gusto n‘yang sabihin.

“Hindi p‘wede na masanay tayong mag-kasama.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean Victoria?” Hindi ko naitago ang inis sa tinig ko.

“Pinalabas mo si Angelica?”

“Ako ang nagtatanong!”

“Pero hindi mo sinagot ‘yon.”

“Pin-alis ko siya dahil ikaw ang gusto kong nandito.”

“ ‘yon, kaya ayaw ko kasi nasasanay na tayo sa isa‘t-isa, hindi naman p‘wede dahil—”

“Dahil fictional ako at tunay ka?” Bumaling ako sa kabila. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

“ ‘yon naman ang totoo—”

“I don‘t want to hear that!” Binalik ko ang tingin sa kan‘ya. “Alam ko kung ano ako, pero hindi ko gustong marinig. Ang gusto ko, makasama ka.”

Meeting You (Season I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon