Panglabing-lima

1 1 0
                                        

Panglabing-lima na sekreto

"By any chance, are you free, Cathy?"

First name basis agad? Sinagot ko lang 'yong tanong nya tapos aayain nya agad ako? Hindi ko nga sya kilala.

Hindi ko alam na may ganto pala na mga tao. Medyo ako pa ang nahihiya dahil ito ang unang pagkakataon na may kinausap akong ibang tao na kaedad ko maliban sa mga kaibigan ko. Nagiging tunog gubat tao siguro ako sa iba kung sakali.

Halatang-halata siguro sa mukha ko ang pagtataka dahil nagawa pa nitong tumawa.

"Chill, wala akong gagawin sa'yo. May sasabihin ako na maaring makatulong sa'yo. You have problems, right? You know what I'm talking about." Tumaas ang gilid ng labi nito na parang alam ang lahat ng nangyayari sa'kin.

Napatitig nalang ako sa mukha nya, "Hindi ka nagbibiro? Sa sinabi mo na detective ka." No offense pero wala na talaga akong tiwala! Akala ko joke time lang 'yong pagpapakilala nya sa'kin.

Atsaka, sino maniniwala sa kanya sa ganyang mukha? Halos ka-edad ko nga lang sya eh.

Hindi naman ito na-offend sa nasabi ko. "I always get that. Sooo, are you free? I can help you." Rinig ko ang diin sa tono nya, siguradong-sigurado ito na matutulungan nya ako.

Kahit hindi ko pa ito tuluyang pinagkakatiwalaan, papakinggan ko muna sya kahit sa isang tenga ko lang. Kahit papaano, may pag-asa akong nakuha ngayon. Syempre kailangan ko parin mag-ingat.

"Hindi ba pwedeng dito nalang? Papasok pa ako eh." Sambit ko.

Sumulyap sya kung saan bago nya ako harapin, "Madaming mata dito, nararamdaman mo ba?"

Doon ako nakaramdam ng kakaiba. Kung alam nya ang sumusunod sa'kin, edi totoo talaga s'yang detective? Argh, bahala na.

"Tara." Nasabi ko nalang sa kanya bago naunang maglakad kung saan may malapit na cafe dito sa school.

Kahit hindi masyado mainit ang panahon ngayon, tila napapaso ang buo kong pagkatao. May kaba at takot sa loob ng dibdib ko. Ang mga emosyon na ilang araw kong tinatago ay nabuhay ulit.

Nabuhay ang pag-asang nawala sa'kin.

Tuloy-tuloy akong pumasok at umupo malapit sa pintuan. Umupo naman ang lalaki sa harap ko na may hindi maitagong kasiyahan sa mukha.

Salubong na kilay ko s'yang tinitigan, "Masaya ka ba na naniniwala na ako sa'yo?"

"You got it right, Cathy." Ang tono nya na ang talino ko dahil nagamit ko rin ang utak ko.

Pinalusot ko nalang sa labas ng tenga ko ang tonong hindi ko nagustuhan sa detective na ito. Pulis pa nga lang, gusto ko na patulan, ang mga gantong klaseng tao pa kaya?

Pero dahil ito ang may kakayahang tumulong sa'kin, pinahaba ko saglit ang pasensya ko. "Ano ang nalalaman mo tungkol sa'kin? Lahat, sabihin mo sa'kin lahat." Seryosong pagkakasabi ko dito.

May kinuha nito sa bulsa na kung ano, nilatag nya ito sa harapan ko. Nakalagay sa gitna ng table ang isang...papel? Hindi malaman dahil lukot-lukot na ito, scratch paper ba ito?

"Read that." Turo nya sa papel, "Gusto mo ba mag order? Your treat." Sinuklian nya lang ng isang malawak na ngiti ang titig ko sa kanya.

Pinasa ko nalang sa kanya ang bayad ko, "Americano." Mabilis nalang itong umalis kaya binigyan ko ng atensyon ang papel na nilatag nya.

Hindi naman mahirap intindihin kung ano ang nakapaloob dito. Basic information ko at ang mga nangyari sa'kin sa mahigit isang buwan ang nandito. Simula sa pagkawala ni mama at ang ulong napunta sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KaibiganMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon