Soy-soy Secret!
"SOY-SOY POV'S"
"ANTE! Anong ginagawa rito ni Sara? Nakikilibing Rin ba Siya?"
"Obviously, Ano ba Ang ipinunta natin rito?"
"Ang sungit mo naman, Isusumbong kita Kay Boss Hindi naman para sa kaniya yong laman Ng baunan Hindi ba? Galing yon Kay Angkol Archi--"
Tinakpan Niya Ang bunganga ko. Katabi ko Kasi siyang nakaupo sa upuan na inilaan talaga para sa Amin.
"Hep! Wag Kang maingay! OO na galing yon Kay Archie! Kanina mo pa Ako kinukulit. Itikom mo muna yang bibig mo okay? May nagsasalita sa harap Hindi ko Marinig Kasi napaka ingay mo. Kahit ngayon lang patahimikin mo Ako!"
Napa cross arm Ako at napanguso. Hindi na Niya Ako pinansin, nakatutok Ang tingin Niya sa harapan kung saan nagsasalita Ang Mommy ni Luis habang umiiyak. Pagkatapos Kasi sa simbahan ay kaagad na kaming dumiritso sa Memorial Park. Tutok Ang lahat sa harap at Ako lang tong Hindi mapakali dahil nasa tabi ko si Pyra at kapit na kapit sa kamay ko, ni Hindi na Ako makakilos. Pinagigitnaan nila Ako ni Ante pero mas gusto ko pang makausap si Ante kesa Kay Pyra masyado siyang madikit parang rugby?
"My Baby pansinin mo na Ako please?"
Baby? Yawa!
Hindi ko alam kung bakit baby Ang tawag Niya sakin, Hindi naman Ako sanggol. Cute lang Ako pero Hindi Ako sanggol, nakakahiya Ang babaeng to. Halos mamatay naman kakatawa si Linolapid, Liam, Owen, Jemuel at Frince sa likuran Namin habang si Tom and Jerry naman ay katabi ni Pyra, in short pinagigitnaan Namin Siya ni Tom and Jerry. Sinadya niyang tumabi at Pumagitna sa Amin para guluhin Ang Buhay ko.
"Ayaw ko samuka be! Maypag maghilom ka diha, Maganahan pako!" (Wag mo nga akong guluhin! Manahimik ka nalang diyan baka magustuhan ko pa!)
Hinawi ko Ang kamay Niya ngunit mas lalo pa siyang dumikit sakin at parang Hindi na matanggal tanggal Ang kamay Niya sakin.
"Sige My Baby ko. Magpuyo Nako para nimo hehe" (Mananahimik na Ako para sayo hehe)
Napatingin Ako sa katabi niyang si Tom and Jerry, poker face Ang Mukha habang nakatitig sa harap, napansin ko Rin Ang paulit ulit niyang pagbuntong hininga. Alam Kong may gusto Siya Kay Pyra Kaso Ako Ang gusto nito kahit Hindi naman siya Ang gusto ko.
Wala pa akong nagugustuhan, Meron Pala si Ante Kaso nag move on na Ako. Ayokong maging kerida. Ang cute na Si Ako ay dapat Main lead, gets?
"ANTE, Baka pwedeng magpalit Tayo Ng upuan? Sige na please? Ayokong may katabing Rugby, sobra pa sa pandikit! Nakakainis!"
Lumapit Ako sa Tenga Niya at ibinulong iyon para walang makarinig. Nakita ko Ang pagngisi niya habang umiiling na Napatingin sakin.
"Pyra Sanchez! Wag ka Ng umasa pang magugustuhan ka Ng Isang to dahil Wala siyang gusto ni katiting sayo! Ehh kung Ang hanap mo ay Isang gaya Niya, Ayan oh nasa tabi mo na. Kanina pa selos na selos Ang Isang Yan! Kausapin mo at baka kayo pa Ang magkatuluyan!"
Pareho kaming napanganga ni Pyra Ng diritsahan Niya iyong sabihin. Nakita ko Ang pagnguso nito at parang na disappointed. Napaiwas Ako Ng tingin Ng mapatingin siya sakin habang tawang Tawa naman si Ante sa ginawa Niya.
Head to Toe! Pain!
"A-Ayos lang, Naiintindihan ko na Wala akong pag asa sayo, siguro nga ito na yong sign na magmomove on na Ako. Salamat Apple ha? Pinagduldulan mo sa Mukha ko na Hindi talaga kami para sa isa't Isa! Masakit pero kaya ko to"
BINABASA MO ANG
Apple's in Boys Section PART II- The Battle
ActionRevenge is what she want to Achieve! Her gradual acceptance to those people who want to enter her life and win her heart. Read First the APPLE'S IN BOYS SECTION PART I Before this PART II Para Hindi kayo Malito. Thank you😊