Bomb!
"APPLE POV'S"
"S! Kain Tayo, Ang sarap"
Naabutan ko Si Sam sa mesa habang may kinakain, napangiwi Ako Ng makitang sinasawsaw Niya Ang bread sa Gravy at sarap na sarap na nginunguya ito. Panay Aya Rin Siya sakin Kaya naman umupo Ako sa tabi Niya saka Niya inabot sakin yong bread at gravy na sawsawan Ng chicken joy na nasa harapan Niya, Hindi Niya manlang ito ginalaw. Nagtataka Ako Kasi pwede palang isawsaw Ang tinapay sa gravy?
Nakaka-Curious naman to! Masubukan nga, mukhang masarap naman, Sarap na Sarap Kasi si Sam at halos dilaan Niya yong lagayan Ng gravy at kulang nalang nguyain Niya narin.
"Masarap ba to?"
Pagkatapos Kong isawsaw yong tinapay sa gravy ay inangat ko yon sa harapan Niya ngunit laking gulat ko Ng hablutin Niya ito at isubo sa bunganga niya. Napanganga Ako sa Nakita habang Hindi makapaniwala. Para siyang gutom na gutom sa hitsura Niya habang napapangiti sakin.
Hindi ba Siya pinapakain ni Ace? Bakit Siya Ganito?
Nawalan Ako Ng gana at kumuha Ng Mansanas sa Refrigerator saka ko yon nilantakan habang kunot noong nakatingin sa kaniya.
Para siyang Patay gutom sa ikinikilos Niya! Nakakadiri pa yong kinakain Niya! Ano naman kayang lasa non? Bakit sarap na sarap siya?
"Good Morning Girls. Anong kinakain mo Samarah? Gravy ba Yan? Ginawa mong palaman? Kumusta naman kaya Ang lasa niyan?"
Pumasok si Hans sa kusina at kaagad nilapitan si Sam na Hindi tumitigil kakanguya. Napailing nalang Ako Ng gayahin Niya yong ginagawa ni Sam.
"FUCK! ACKKKKKK!! PWE! ANG PANGET NG LASA! YUCK NAKAKADIRI!"
Natawa Ako Ng masuka lahat ni Hans yong tinapay, diring diri niyang tiningnan si Sam na sarap na sarap parin sa kinakain. Dinidilaan Niya pa Ang daliri Ng makitang may naiwan. Gusto Kong masuka sa ginagawa niya ngunit Ng makita Ko Ang Mukha ni Hans ay natawa nalang Ako. Ngiwing ngiwi Siya sa pwesto ni Sam.
"Itoko, ayos lang ba Ang babaeng Yan? Sobrang panget Ng lasa. Pwe! Ang Gravy sinasawsaw sa chicken joy Hindi palaman ng tinapay!"
Nagkibit balikat lang Ako sa sinabi niya at kumuha ulit Ng Mansanas sa Refrigerator at pinapak iyon.
"S! Sasama Ako sayo mamaya, Diba Papasok ka? Ayokong maiwan rito sa Palace baka maboryo Ako at maisipang magbigti nalang hehe"
Napailing nalang Ako sa sinabi niya Bago lumabas Ng kusina. Umupo Ako sa sofa at tumabi sakin si Hans.
"Wala parin si O Bāchan, importante raw Kasi Ang ginagawa Niya pero Hindi Niya sinasabi sakin kung Ano. What do you think may tinatago ba Siya?"
Hindi ko Siya sinagot Wala naman akong ibang maisip kung may tinatago nga ba si O Bāchan, baka gusto Niya lang nag enjoy sa Pilipinas dahil Minsan lang siyang makapag bakasyon.
"I have to go, susunduin ko pa si Lane. Magkita nalang tayo sa school mamaya"
Tumango Ako Bago Siya nagmamadaling lumabas Ng pinto. Nag vibrate bigla Ang cellphone sa loob Ng bulsa Ng suot Kong Cargo pants. Nag text si Langaw na 10 minutes ay nandito na Siya para sunduin Ako. Hindi ko maiwasang mapangiti habang binabasa Ang text message Niya sakin, Ewan ko pero nakakaramdam Ako Ng excitement tuwing nakikita ko Siya.
I Think He hit me so Hard!
"Lady S, Pupunta ka ba Ng School na ganiyan Ang suot?"
Kinunutan ko Siya Ng noo Ng suyurin Niya Ng tingin Ang buong katawan ko habang pailing iling Ang ulo. Ano bang problema sa suot ko? Dito na Ako nasanay, cargo pants at malaking t-shirt at alam Kong sanay narin siyang makita na ganito Ako.
BINABASA MO ANG
Apple's in Boys Section PART II- The Battle
ActionRevenge is what she want to Achieve! Her gradual acceptance to those people who want to enter her life and win her heart. Read First the APPLE'S IN BOYS SECTION PART I Before this PART II Para Hindi kayo Malito. Thank you😊