"APPLE POV'S"
Painful!
"ANTE! MABUTI NAMAN AT NANDITO KA NA RIN, KANINA KA PA HINIHINTAY NI BOSS"
Saktong paghinto Ng motorbike ko sa gilid Ng Mansion ni Langaw ay sinalubong Ako ni Manong Maliit at Jerry na parang hinihintay Ang pagdating ko.
"KANINA PA TULALA SI BOSS, NI HINDI NAMIN MAKAUSAP NG MATINO. NANDOON LANG SIYA SA HARAPAN NG KABAONG NAKAABANG NA PARA BANG HINIHINTAY NA GUMISING SI TITO KAHIT IMPOSSIBLENG MANGYARI"
Ilang ulit nila akong tinawagan kanina at gusto nilang pumunta Ako dahil Kay Langaw kaya Hindi na Ako nag dalawang isip na pumunta lalo pa at gusto ko siyang makita.
"NI HINDI KO RIN SIYA NARINIG NA UMIYAK PARANG KINIMKIM NIYA ANG LAHAT NG SAKIT SA DIBDIB NIYA. DIBA PARANG DELIKADO YON? HINDI NATIN ALAM KUNG ANONG INIISIP NIYA, DAHIL NI ISA SA PAMILYA NIYA AY HINDI SIYA MAKAUSAP. MABUTI NALANG AT NANDITO KANA ANTE, MAKAKAUSAP NA NATIN SIYA NG MAAYOS"
Mapait na napangiti Ako sa sinabi ni Manong Maliit sa tabi ko, nasa kaliwa naman si Jerry. Kapit na kapit sila sa magkabila Kong kamay na para bang ayaw nilang lumayo pa Ako.
"ANTE! BAKIT KA UMIIYAK? SIGURO NAAAWA KARIN KAY BOSS AT GUSTO MO LANG MAKIRAMAY. NAIINTINDIHAN KITA ANTE. IIYAK MO LANG YAN" Sambit ni Jerry Ng makitang tuloy tuloy na umaagos Ang luha sa buong Mukha ko.
Kung alam niyo lang--kung Ano Ang tingin Niya sa akin.
Kapag naaalala ko Ang nangyari kanina, kung paano Niya Ako sigawan at ipagtabuyan tagos na tagos sa puso ko Ang sakit lalo na Ng sabihin niyang pinatay ko si Xian. Sino nga ba naman Ako para tumanggi, totoo namang pinatay ko Ang Ama Niya, kasalanan ko Ang Lahat pero may lakas Ng loob parin akong magpunta rito.
Gusto ko siyang makita--gustong gusto ko, kahit mag iba Ang tingin Niya sakin ay gusto ko parin siyang makita.
"Iha, mabuti at nagpunta ka, Pasok kayo" iginiya Ako papasok ni Lala habang may hawak na tray.
Napatingin samin Ang mga tao Ng makapasok kami, marami na palang taong nakikiramay. Sa dulo nandoon ang puting Kabaong kung saan may taong nakatayo sa gilid nito, sa hulma palang Ng likod ay Kilala ko na kung sino Ang taong yon.
Kumaway Ang mga kaklase ko Kasama Rin nila Ang Student Council na napatingin Rin sakin, nakaupo sila sa magkabilang upuan kung saan may daan sa gitna papunta sa dulo kung saan nakahimlay yong Kabaong.
"Adi, bakit ngayon ka lang? Diba dapat nauna ka pa sa Amin para samahan si Xhyl?" Tanong ni Sofia Ng makalapit kami sa pwesto nila, malamyang ngumiti lamang Ako para Hindi na ako magsalita pa.
Malapit lang sila sa harap kung saan naka pwesto yong Kabaong, Nakita ko Rin si Mrs. Ledger katabi yong mag Ina at si Lala nakatingin sa pwesto Ng taong nakatayo sa harapan Ng Kabaong.
Marami silang tinanong ngunit ni Isa ay wala akong sinagot dahil nakatutok na Ang tingin ko sa taong yon na alam Kong sa mga sandaling ito ay tanging paghihinagpis Ang nararamdaman. Bumuntong hininga Ako Ng malakas na para bang may mabigat na bagay sa dibdib ko.
Nagsisimula na namang manginig Ang mga kamay ko lalo na Ang mga paa ko Ng marinig ko sa bunganga ni Soy soy na lapitan ko raw Ang boss nila. Sobrang bigat Ng nararamdaman ko halos Hindi Ako makahinga parang Hindi ko kayang lapitan Siya sa Ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Apple's in Boys Section PART II- The Battle
ActionRevenge is what she want to Achieve! Her gradual acceptance to those people who want to enter her life and win her heart. Read First the APPLE'S IN BOYS SECTION PART I Before this PART II Para Hindi kayo Malito. Thank you😊