Contentment!
"APPLE POV'S"
"Hi S, Good Morninggg"
"Anak ka ng--Anong ginagawa mo rito?" Nagulat Ako sa pagbungad Ng pagmumukha ni Sam sa harap ko. Pagmulat Ng mata ko ay Mukha Niya Ang Nakita ko. Inis akong bumangon at pinagbantaan Siya Ng tingin dahil nang storbo Siya Ng Umaga ko.
"Pinapaalala ko lang sayo na ngayon Ang First Check up ko sa OB GYN, Kailangan mo akong samahan"
"Hindi pwede, May practice kami ngayon. Magpasama ka nalang Kay Manang, tutal siya Ang unang nag Aya sayo"
"Pero Ikaw Ang pinili ko, Ikaw Ang pinili ni Baby. Bahala ka magtatampo Siya sayo"
"Hahaha... Nagpapatawa ka ba? One month palang Ang tiyan mo, Hindi pa nabubuo Ang Baby mo!"
Tumayo Ako at naglakad Palapit sa pinto Ng banyo at bubuksan na sana Ng humarang si Sam sa harapan habang nakanguso.
"Ikaw Ang gusto ko S" Nagulat Ako sa sinabi niya "Hahahaha.... Iniisip mo bang tomboy Ako? Grabeng tingin Yan, nanghihigop? Ang ibig Kong sabihin, gusto Kong Ikaw Ang makasama ko sa First prenatal check up ko ngayong araw"
"Hindi Ako pwedeng mawala sa Practice Namin" Mas lalo pa siyang napasimangot kaya napangiwi nalang Ako.
"Hindi ka naman mawawala sa practice niyo. Pagkatapos Ng check up diritso na tayo sa school, ganoon lang kadali"
"Umalis ka sa harap ko, Maghanap ka Ng isasama mo. Ayokong Sumama sayo"
"Okay, Hindi narin Ako magpapa check up. Sige, Alis na Ako. Bahala na kung anong mangyari, dahil walang konsensya yong Isa diyan, ayaw talaga akong samahan. Kawawa ka naman baby, tinatanggihan ka Ng NINANG MO!"
Pisti!
Pinagdiinan Niya pa Ang huling sinabi, napahilamos Ako Ng Mukha at hinawakan Ang kamay Niya Ng akmang aalis na siya. Kaagad siyang tumingin sa Mukha ko habang nakangiti ng sobrang laki na parang clown.
"Magbibihis na Ako. Thank you Lady S"
Parang batang wika Niya habang masayang lumabas Ng kwarto. Napakamot Ako Ng ulo at napailing na lamang. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na Ako Ng usual Kong sinusuot Ang Cargo pants at loose t-shirt.
"S, Tapos na ako. Hihintayin kita sa labas Ng pinto, ayokong pumasok baka makita ko Ang kepay mo, maiinggit lang Ako"
What the heck!
Narinig ko Ang paghagikhik Niya sa labas Ng pinto. Nagsusuot Ako Ng sapatos Ng mag vibrate Ang Cellphone ko na nasa ibabaw Ng mesa.
Si Ace Ang nag text. Nanghihingi Ng sorry sakin, hinayaan ko nalang iyon at itinago sa loob Ng bulsa ko Sala Ako lumabas Ng pinto.
"Hi, Good Morning, pwede ba akong sumama sa inyo?" Naabutan ko si Luis na kausap si Sam. Nakabihis na ito at mukhang bagong ligo dahil nasisimot ko Ang pabango Niya na sobrang sakit sa ilong.
"Hindi pwede!"
"Please S, Isama na natin Siya. Gawin lang nating Driver?"
"Pwes, Kayong dalawa Ang pumunta, Ayan Sam, May Kasama ka na. Didiritso na Ako sa Campus"
Hinarangan Niya Ako at nakabusangot na naman Ang Mukha Niya. Hindi pa naman malaki Ang tiyan Niya pero napansin Kong nagbabago Ang porma nito.
"Fine, Sumama kayo Letse!"
BINABASA MO ANG
Apple's in Boys Section PART II- The Battle
ActionRevenge is what she want to Achieve! Her gradual acceptance to those people who want to enter her life and win her heart. Read First the APPLE'S IN BOYS SECTION PART I Before this PART II Para Hindi kayo Malito. Thank you😊