Gender Mission

222 11 0
                                    

Kim's Pov

Halos 4am na ako nakarating ng bahay. Nag shower kagad at nag palit ng pang patulog. Habang naka titig ako sa kisame ng aking kwarto, kinilig at napa ngiti ako ng maalala ko yung ginawa ko kanina. Hindi ko mapaliwanag bakit ako nag crush sa boss ko. I mean sobrang-ganda nya at matangkad ugh! Lahat na lang sgru nasa kanya na, kaya hindi malabo na napukaw yun natutulog kung puso. My mission akong dapat gawin bago ako mahulog ng tuluyan, kailangan kung malaman kung straight ba siya or gusto nya din ba babae , bisexual ba siya... ?? or wag naman sana... cross finger sana hindi lalaki yung bet nya. Pero kanina bigla may kuryente dumaan sa mga kamay namin nung hinawakan ko yung kamay nya at siya mismo my kunting pag kagulat sa kanyang mukha. Pero hindi pa ito sapat at kailangan ko pang gumawa madaming hakbang para mapatunayan. Kung hanggang saan a-abot yung pag hanga ko sa kanya.

Bzzzt...bzzt... Nagising ako sa non stop na messages sa phone ko. Wow sobrang haba ng tulog ko at mag alas 10pm na. Yes ganun ako kahaba matulog lalo na pag rest day. Nasanay na din ang katawan ko sa ganitong cycle ng tulog. Yung umaga naging gabe at gabe naman naging umaga. Pag katapos kung inayos bed ko dumeretchu kagad ako sa kusina para kumain. Sinilip ko din si daddy sa room nya kung tulog na ba at tama ako ng hula sobrang himbing na ng tulog neto. I love you daddy sabay kiss sa forehead nya at kinumutan.

Habang kumakain biglang nag ring yung phone ko. Hala si Wil!! kanina pa pala panay text at nakalimutan kung replyan.!! Kaya dali dali kung sinagot yung tawag. Hello FRIEND!! hehe sorry kakagising ko lng at eto kumakain pa! Beshy huhu iniwan na ako ng jowa ko! Huhu Ayaş ng parents nya mag jowa ng bakla huhuhu. Kailangan ko ng kausap ngayon." Sge besh e text mo sakin ang address kung saan ka man ngayon at puntahan kita kagad.. "Sge antayin kita beshy huhu. "End call.

Kawawa naman ang friend ko mag pupuyat naman kmi neto dahil sa broken hearted. Mahirap din sa ganitong relasyon lalo na sa hindi pa out sa parents most of the time hindi tanggap ang mga anak. Mabuti na lang napaka supportive ng daddy ko samin. Tanggap kmi kung anu man kasarian gusto namin e-date. Kahit nga yun ate ko na nag live in na sa lesbian niyang partner supportado ni daddy. At ako naman two years ng single "ghosting" ang dahilan ng bigla na lang hindi nag paramdam si Jona. Hmmm... naalala ko siya bigla.... mapuntahan na nga friend ko at baka mapano pa yun.

Nun dumating ako sa address ng bar, hinanap ko kagad si Wil. halos masusub na yung muka nya sa mesa sa kalasingan at sabog ang mukha sa kakaiyak. Beshy!! Sorry ngayon lang ako nakarating pasigaw kung sabe. Huhu beshy iniwan na ako ni Mark. Nahuli kmi ng parents nya kanina nanuod ng sine. Ilang beses naman kmi nahuli nag date dati besh pero this time hindi ako pinili ni Mark. Huhu. Kailangan nya daw muna piliin parents nya sa ngayon. Huhu at hindi na siya nag paliwanag bakit. Friend baka my malalim na dahilan o baka my pinagdadaan lang family nya sgru kaya nya nagawa sayu yun. Hindi friend sabe nya wag ko na daw siya antayin at pipiliin nya muna parents nya. HUHUHU gusto ko ng mamatay beshy! Ang sakit sakit.. kaya maglalasing ako dito.  Ay! Wag ganun besh! Madami pang gwapong lalaki dadating sa buhay mo! Mag pakatatag ka! Hayaan mo hahanapan kita ng pag ibig! Hehe.  Kaya tagay beshy! Kalimutan muna natin ngayon si love life!  Halika sayaw tayo!

Sayaw!! Tagay!! Sayaw Tagay!! "🎶I gotta learn how to love without you. I gotta carry the cross without you" 🎶 Ramdam ko yung tugtug pati ang mga naka tingin sa akin habang sumasayaw, bigay tudo lang ako sa pag sayaw at wala akong paki sa mga tao sa paligid ko basta kailangan ako ng friend ko at dadamayan ko siya.

After ng ilang oras ng sayawan bumalik muna ako sa table namin at nag pahinga. Si Wil naman ay mukhang masaya sa kausap niya. Kahit papano masaya na din ako makita siyang masaya. Wil was there for me noong broken hearted din ako kaya dapat lang na damayan ko din siya sa mga panahon ganito. "Hi miss can i join you? " Sorry paalis na ako, need ako ng friend ko. Sabay tayo at iniwan lalaki na nais pa sanang makipag kausap sakin. Alam ko naman na pag nasa bar yun iba hanap ay libog lang ng katawan. Hindi na din bago sa akin na e approach lagi, sa ganda kung to madaming lalaki nag huhumaling sakin. Ng palapit na ako ky Wil nag paalam muna ako saglit na lalabas lang para mag smoke. At tumango naman siya.

Habang naka tambay sa labas ng bar my pumaradang mamahaling kotse sa harap. Lumabas ang babae sa driver seat nakasuot ng padjama at naka hoodie. Kahit madilim kitang kita ko kung gaano siya kaganda, grabe ang hot  ng dating nya, agad ko siyang namukhaan. Anu kaya ginagawa dito ni Mai sa ganitong oras. Nagmamadali siyang papasok sa bar na tila my hinahanap. Kaya sinundan ko siya kagad at ng maabutan na ay hinawakan ko yun kamay nya. Kinalabit ang mga daliri ko sa mga daliri nya na parang mag jowa. Ang sarap sa pakiramdam, parang mag jowa lang. Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan ang mga kamay namin bago  tumingala at kunot noo tumingin sa akin. Kim?? Is that you? Hawakan at samahan kita bago kapa maagaw ng iba sa akin, pa flirt kung sabe. Nakita ko kung gaano lumiwanag yung mukha niya sa sinabe ko. Naka ngiti siya ng abot sa tenga at kita lahat ang maganda niyang ngipin. "Saan naman galing ang mga linya mong ganyan? Pangiti niyang sabe." Jusko! Sobrang ganda talaga ng ngipin niya, lahat pantay2. At hindi lang yan sobrang bango niya parang bagong ligu. Anu ginagawa mo dito Mai at naka pantulog kana? " Tanung ko habang naka hawak parin mga kamay namin. " ahh I need to pick up someone important. At sabe niya andito siya sa bar na ito. Pauuwiin at hahatid ko lang cause im sure lasing na yun. Ahh Okay, yun na lang sagot ko nun narinig ko yung "importante". Mukhang espesyal ang tao na ito sa kanya. "Samahan na kita sa loob wika ko. "

Papasok na kmi ng bar ng mag kahawak kamay. Siya naman ay busy sakaka dial ng number ng taong hinahanap niya. At nung makita  nya na nga ito bigla nya na lang binitawan ang kamay ko sabay takbu sa lalaking gwapo na nasa cocktails table. Nakatingin lang ako sa kanya sa malayo na tila grabe pag alala nya dito. Mission failed na kagad ang nasa isip ko. Lalaki talaga siguro gusto niya at baka boyfriend nya pa yun. Sino ba naman espesyal na susunduin na naka padjama. Kaya hindi na ako lumapit pa at hinanap ko na lg si Wil para makauwi na din kmi kagad.

"Author's note"

What do you think guys?? Sorry pala sa mga grammar issue lalo na sa pagtatagalog. And thank you sa unang tao na nag vote.❤️❤️

Ang pangarap kung exWhere stories live. Discover now