Ghosting kagad?

205 8 0
                                    

Kim's POV

Isang linggo na ang nakalipas ng last kung nakita si Mai. Sa bar kung saan sinundo nya yun poging lalaki. Hindi pa rin mawala wala sa isip ko kung anung meron sila at worst part pa neto isang linggo na siya hindi pumapasok. Kaya nag busy busihan na lang muna ako sa work. Pero naiinis ako, my konting kirot at sakit akong nararamdaman. Lalo't na-alala ko yung pang gho-ghosting sakin ng jowa ko/ex. Parang ganito napaka familiar ng feeling. Pero bakit ganun bigla ko na miss si Mai. Iba yun pag ka miss ko sa kanya di ba dahil pinalalim ko lang pagkagusto ko sa kanya or baka companionship lang to dahil lagi kmi magkasama sa room at lunch break.

Hay Mai ba't ba ako nag aalala sa'yo?

Final day of training na! At masaya ako kase lahat naka passed ng training. Masaya ako di dahil tapos na yun training kundi masaya ako dahil lahat sila magkakaroon pa rin ng work. As an expert sa ganitong trabaho medyo na amaze ako ky Mai sa pag gawa ng product training kase napakahirap ng skill na gagawin nila but im sure gusto lang ni Mai maging successful ang lahat. Pero speaking of success, sana naman andito siya kase mag kateam kmi dito.

After ng konting pa program at salo salo para sa mga trainees na isipan ko na ding umuwi. Im so relax dahil wala na ako masyadong gagawin in next few days sa work. Kaya naisipan kung bumalik na kagad sa training room para kunin ng yun mga gamit ko. Pagka bukas ko ng pinto sinalubong kagad ako ng pag ka halimuyak na amoy. Isang malaking boquet na mga fresh flowers naka patong sa desk ko. Napa smile ako ng maisip ko yun mga trainees ko. Ang sweet naman nila at nag abala pa sila ng flowers. Kinuha ko ito at inamoy amoy kagad. Purple lahat ng kulay meron lilic freesia at yun iba hindi ko na alam kung anu klaseng bulaklak. Nabaling din ang atensyon ko sa note nakadikit dito. " CONGRATULATIONS ON YOUR SUCCESS - MAI :)
Kinilig ako ng sobra na kahit papano napawi ng ilang araw na pagkamiss ko sa kanya. Sana naman pumasok na ulit siya. Hindi complete araw ko pag hindi ko siya nakikita. Naka miss din yun mga nakaw tingin nya. Lalo na yung time na my tinuturo siya sakin na files sa laptop ko na sobrang close ng mukha niya at sobrang bango pa niya.

Pababa na ako ng building at dala dala yung mga flowers. Ding.. (door opening) pumasok ako ng elevator at pinindot yun ground floor ( door closi..) papasara na sana ang pinto ng biglang bumukas ulit ito.  Na shock ako at biglang Kimberly pahingal niyang sabe na tila nahihirapan pa sa pag hinga. buti naman at na abutan pa kita. Sabe kase ni Wil umuwi kana ngiti niyang sabe. Napakasarap pala sa pakiramdam ng tinawag niya  first name ko. Sh-t!!! at ang hot pakinggan!! Hindi ako nag pa obvious sa kilig kaya tumango ako kagad. My kailangan ka ba sa akin Mai? Tanung ko.. Sorry at hindi ako naka abot sa graduation kanina ng Batch 1. Gusto lang kitang e congratulate ng personal at pasalamatan. Wika niya. Hindi ko na din  mapigilan kaya napa ngumit ako sa harap niya. Thank you din Mai sa opportunity at dahil din sa tulong mo. Patango tango at ngumingiti din si Mai ng sinasabe ko iyon.  Pauwi kana diba hatid na kita. Pauwi na din kase ako. At dun na lumakas ang kabog ng dibdid ko!!! Nag yes na ako kase sa truths lang sobrang miss ko siya. Okay, baba na lang tau sa parking.

Habang sa byahe tahimik lang kaming dalawa. Siya naka focus sa pag drive at ako naman madaming iniisip, gusto ko din sana e tanung sa kanya about sa guy sa bar na sinundo niya pero kasu wala ata ako sa posisyon para mahimasok sa personal niyang buhay. Madaming akong katanungan sa isip ko isa na din dun bakit hindi siya pumasok ng ilang araw, boyfriend niya ba yung guy or kung single pa ba siya... For now simplehan ko lang muna ng hindi naman maging halata na interesado ako sa personal niyang buhay. Mai saan ka ba nag sta-stay dito sa manila tanung ko. Ngumiti siya at tumingin sa akin tas bumalik ulit tingin sa daan. At wala akong ideya bakit sa ganun tanung e napangiti na siya kagad. Sa Makati ako ng stay jan sa Bel-Air sagot niya. Wow yayamin patukso kung sabe sa kanya. Hindi naman. Actually that house isn't mine. Yung bahay ko ay nasa Thailand talaga andun mostly yun work ko dati at mga small business na din. That house right now in Makita is from a close friend of mine. In fact the owner of that house is the owner of Concentri. Right now they both living in France at gusto nila na dun na ako mag stay for time being. Kaya Makati. Masaya niyang pag kwento. Ito na din ata pinakahabang niya na kwento  sa akin, so far...Minsan kase mailap din siyang mag share ng mga bagay bagay sa buhay niya. Kahit lage kami mag kasama sa lunch sa office ako lage ma kwento. Kaya sa moment na ito na appreciate ko paunti unti na siyang nag kwento sa akin. At mukhang mapuputol na ang moment na ito dahil tanaw ko na ang bahay namin. Dito na ako Mai sabe ko. Alright, sagot niya. Salamat pala Mai sa paghatid sa akin at see you soon i guess sa office? Pacurious kung pamama alam sa kanya. Yep i'll be back at the office na by monday sagot niya. Kaya binuksan ko na pinto ng Audi nya para lumabas at.. Kim??  Tawag niya sa akin. Yep? Pakunot kung sagot. Uhmm.. Uhmm.... see you at the office.. Parang my sasabihin pa ata siya. Nakikita ko sa mata niya na parang my gusto siyang sabihin. Pero hindi ko na pinansin pa kaya ngitian ko na lang sabay labas ng sasakyan. Bye Mai na my ngiti sa labe ko. Pagpasok ko ng bahay tska ko na rinig pag alis ng sasakyan niya.

Not yet edit. Thank you for reading❤️❤️🙏🙏

Ang pangarap kung exWhere stories live. Discover now