Kim Pov
Aaaahhh!!! Napasigaw ako sa kilig ng makapasok na ako sa room ko. Masaya akong humiga sa kama at nakahingiting tumingila sa kisame. Hinawakan ko yung mga labi ko. Na fe-feel ko parin dampi ng labi ni Mai. Yun kililiti at lambot neto at nadadama ko parin. Kung papayagan niya lang ako hindi ako mag sasawang halikan siya buong araw. Yung mala bubble gum at mala candy na amoy neto ay siyang tunay na nakaka adik. Ang bango niya! Kahit na simple lang dumamit nakaka attractive parin, ika nga malakas talaga ang dating. Gustong gusto ko siya sobra! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari samin ngayon. Yung dating crush ko lang sa office, ngayon formal ng nagyaya na lumabas kmi.
Tok..tok.. nabaling yung tingin ko sa pinto. Kim? Hanap ka ni Daddy labas ka daw muna. Sabe ng Kuya ko. Kaya agad2 akong bumangon at pinuntahan siya.
Kim's Dad Pov
Oh Kimberly kamusta kana? Kamusta work mo? Okay naman dad. Heto masaya dahil maayos na ang trabaho. Recently wala ng tinanggal yung mga boss namin at dumami pa ang hiring ngayon.
Mabuti naman pala sa ganun.
Siya nga pala parang lagi ata my naghahatid sayo dito sa bahay. At mukhang hindi mo pa pinakilala sa akin. Alam mo naman na supportado kita kahit sino pa mamahalin mo dba? Eh Dad saka na. Nasa stage pa lang kmi ng "getting to know each other eh" wag ka mag alala pag nag level up na ikaw una mismo makaka alam, okay?? Ikaw ba Daddy umiinom ng mga maintenance mo? Baka nakalimutan ni Kuya ha? Okay lang ako Kim, at uu naman palagi naman ako pinaiinom Kuya mo. Na aawa na nga ako sa kanyang bakit hindi pa nag asawa at ako inu-unang ina asekaso. Gusto ko makita ko kayo masaya sa mga taong pipiliin nio. Kaya wag kayo alala sakin at mag date kayo hehehe.. Dad speaking of date hehe, lalabas pala ako bukas hehe. Oh ang bilis naman my ka date kana bukas! Hahaha! Okay, sge na matulog ka ng maaga para lalo kang gumanda. Okay? I love you nak, kayong tatlo ng mga kapatid mo. Mahal ko kayo.. i love you too dad, goodnight po.Kim Pov
This is it!! Today na yung date namin ni Mai. Sabe niya susunduin niya ako dito sa bahay. Maaga akong gumising at naghanda. Ang sarap din ng tulog ko kagabe dahil ilang beses kung naalala yung kiss namin, masarap sa feeling. Hindi ako maka pili kung anu susuotin ko. Simple strapless? Puff-sleeves? Or yung pang hot na dress? Pero naisip ko baka ayaw ni Mai yung sobrang sexy at revealing na dress. Si Mai kase napa casual easy vibe ng formahan niya kahit simple jeans lang sa work ay sexy at hot na tingnan.
Time check its 5pm at wala pa din si Mai. Baka siguro na traffic lang onti. kaya nag antay pa ako ng konti.. wala pang isang minuto biglang tumunog yun celpon ko dali2 kung binuksan yung iMessage ko.. Kim something important came up medyo ma late ako. Pwede bang magkita na lang tayo MOA? Someone will pick you up there at papunta na siya. Mag re-reply pa sana ako sa text ni Mai ng biglang my nag doorbell sa labas ng bahay namin. Maam good afternoon po. Ito po ba yung bahay ng mga Rivino? Yes po kuya. My pinapasundo po sa akin si Maam Mai. Kimberly Rivino po name. Siya na nga tinutukoy ni Mai sa Text. Dahil sa bilis ng pangyayari sumama na ako at kinuha yun bag ko sa loob. Habang na sa biyahe nag reply ako ky Mai sa iMessage "naka sakay na ako sa sasakyang na pinasundo mo. A-antay na lang kita sa MOA. Hindi ko maiwasan mapa isip kung bakit kaya hindi ako sinundo ni Mai. Sana walang masama nangyari sa kanya. Naisipin ko din na baka naman my surprise pa yun hehe kaya ngumiti na lang ako habang naka tingin sa bintana ng sasakyan. Nung nakarating na nag pasalamat ako sa driver at nag paalam na din siya sa akin. Sa totoo lang wala akong alam anung plano ni Mai sa unang date namin at okay lang din naman sa akin yung simpleng date lang. Dahil wala
pa siya naisipan kung mag iikot na lang muna at tumingin tingin.Three hours have passed. Wala pa din paramdam si Mai. Napagod na ata ako sa kakaikot kaya naisipan ko ng umupo sa isang coffee shop at kinuha yun cellphone ko. Naiinis ako dahil yun text ko hindi man lang na seen. Kaya tinawagan ko na siya.. Ilang beses ko tinawagan at nag ri-ring lang ito. I hate it! Wala na siiguro plano mag pakita si Mai. Walang pasabe wala man lang reply sa text ko. Ng dahil sa galit at inis naisapan ko na lang umiwi ng bahay.

YOU ARE READING
Ang pangarap kung ex
RomanceGL story Pangarap kung ex" is not an ordinary story. From Ex to Girlfriend to Ex. Sin o kaya magkakatuluyan ni Mai?