Ako si Khaea (Keya) Simeryo. I'm 14 years old at nag-aaral ako sa isang exclusive school named Shinigami International School. Aaminin ko, mayaman kami, pero di naman ako spoiled brat tulad ng iba kong mga kaklase. Humble lang ako. And sabi ng iba, mabait daw ako which hindi ko naman pinaniniwalaan kasi I know na WILD ako. Hahaha. I just don't show my true behavior lalo na sa mga taong di ko naman talaga ka-close o kakilala.
Anyways, wala naman talaga akong kaibigan. Wala akong ka-close. In short: loner ako. Oo, tama nga ang nabasa niyo. LONER ako. Ewan ko nga kung anong mali sa akin kung bakit hindi nila ako nilalapitan sa school o kaya kausapin man lang. Kinakausap lang nila ako kapag may importante silang sasabihin at hindi yung makikipagkwentuhan sila sakin. Di naman ako autistic o kung ano pa man. Ang alam ko normal lang ako. Wala naman akong malubhang sakit at lalo nang wala akong diperensya sa utak. Ang sabi kasi nila weird daw ako. In what way? Di ko rin alam eh. Basta yun lang ang sabi nila.
Actually, naaawa ako sa sarili ko. Lahat na lang ng gusto ng ibang tao, ginagawa ko kahit alam kong nakakasama sa sarili ko. Siguro ginagwa ko lang yun para tanggapin nila ako bilang kaibigan nila. Tulad nung inutusan nila akong magnakaw sa isang shop na muntik pa akong makulong dahil sa nahuli ako nung guard. At meron pa yung inutusan nila ako to sneak inside our teacher's office para lang makita yung key answers sa test namin kinabukasan. Alam kong mali pero ginawa ko para lang makibagay din ako sa mga kaklase ko dito.
Sometimes, I felt stupid about myself kasi bakit ko nga ba sinusundan yung mga utos ng ibang tao kung alam kong mali naman yun at meron din naman silang sariling isip para magawa nila ang mga iyon. Simple lang, AYOKONG MAG-ISA. Ayokong maranasan ko na muli ang takot bilang nag-iisa. Actually, hindi naman ako ganito noon eh, mapag-isa, weird, and sometimes nagsusungit. Hindi ako ganun noon. You wanna know why? Keep reading. :J
BINABASA MO ANG
Eight Signs [EDITING/REVISING]
Teen FictionA story of love, hope and trust that relies on signs. A story of undying love and promises that they will hold on to meet each other once again. Where will eternity bring their love? Where will forever take their promises? When will the signs guide...