[ Chapter 32 ] That Moment in the Field
"Hoy! Mr. de Guzman! Nandun po si Xavier oh! Nakikinig ka ba?!!" sigaw ko sa kanya. Di niya kasi ako pinapakinggan eh. >.<
"Sssssshh! Ang ingay mo! Pinagtitinginan ka na oh! Akalain nila sa taga bundok ka. Tsk."
"Eh. Saan mo ba kasi ako dadalhin? Bakit mo ako hinila papalayo? Nandun si Xavier oh."
Di niya pa rin ako kinausap.
---
Maya-maya, nasa parking lot na pala kami.
"Sakay." he commanded.
"H-ha? B-bakit? Saan tayo pupunta?"
"Basta. Sumakay ka na kasi." wala nakong magagawa. Pumasok nako ng kotse niya dun sa tabi ng driver's seat. Tapos siya naman yung umupo dun sa mismong driver’s seat.
“Hoy! Kuya! Bakit diyan ka? May lisensya na ba?!!”
“Anong kuya ka diyan?”
“D-diba mas matanda ka sakin ng isang taon?”
“Hay. Saan mo naman nakuha yan?”
“Ewan. Feel ko lang.” tapos pinaandar na niya yung sasakyan.
“Hay. Bluff. Bluff. Bluff. You’re not Nostradamus to predict something you know.”
“Tss. Oyy! Wala kang lisensya! Bakit ka nagdadrive!?”
“SHUT THE FVCK UP OKAY?!! YOU’RE NOT HELPING!!! KUNG DADA KA NG DADA DIYA BAKA MADISGRASYA PA TAYO!! TSK!!!”
Nakakatakot yung boses niya kapag galit. Kaya tumahimik na lang ako. Masyadong seryoso yung mukha ni Kian. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Siya yung nagdadrive at ako naman, nakatingin lang sa bintana.
Ilang taon na ba ‘tong taong to at kung makapagdrive parang sanay na sanay na. Baka 18 years old na?! Tsk. Weirdo. -_____-“ 15 years old palang naman ako pero ni minsan di pako nakahawak ng manibela ng kotse. >.< Pero siya?! 16 ata siya eh. Ewan ko lang. Pero, nakakapagdrive na siya?!! Di kaya mahuli kami dito ng mga pulis. Wag naman po sana Lord. TToTT
----
Maya-maya, tinigil na niya yung sasakyan tapos bumaba na siya. Bumaba na rin ako. Alangan naman kasi na magpaiwan ako sa loob ng kotse niya diba?
Nandito kami sa may open field.
"Bakit mo ako dinala dito?" ang lamig pa man din dito. Grabe naman oh. Pagabi na kaya! >.<
"Magpahangin."
"Pahangin?! Grabe ha! Ang lamig kaya dito!"
Inabot niya sa akin yung jacket niya. "Eto oh. Suotin mo."
"P-pero pano ka?"
"Don't mind me. Just wear it."
----
"Oyy. Soul--"
"Kian."
"Bakit Kian? Ayaw mo ba ng Soul? Yun naman tawag ng karamihan sayo ah. Kakahiya na nga kasi ako na lang ata yung nagtatawag sayo ng Kian eh. Tss."
"Just call me Kian." ang dry talaga nitong magsalita. Kalmado. Walang tono yung boses. Parang straight lang.
"E-eh b-bakit nga?"
" 'coz you make my name special."
Tinignan ko si Kian para malaman ko kung nanloloko siya. Pero di siya makatingin sa akin. Nahihiya?
BINABASA MO ANG
Eight Signs [EDITING/REVISING]
Teen FictionA story of love, hope and trust that relies on signs. A story of undying love and promises that they will hold on to meet each other once again. Where will eternity bring their love? Where will forever take their promises? When will the signs guide...