[ Chapter 22 ] The Bombshell

122 5 0
                                    

--

Malapit na yung 3rd class namin, pero wala pa rin yung lima! Saan na ngai kaya yun. A few minutes later, our teacher came in our room. Same as I do, hinahanap niya rin yung limang nawawalang kaklase namin. Asan naman kaya yun?

The rest of the time, tahimik ang klase. Wala kasi si Zac at Cedrick. Isali na rin si Jason. Sila kasi yung mga maiingay sa klase eh. Pati naman si Xavier maingay rin, pero minsan lang. Kadalasan kasi Pa-cool tong si Xav. Hahaha.

Anyways, back to business, nasan naman kaya nagpunta yung mga yun? Usually naman kasi kapag aalis sila o kaya may pupuntahan, ako yung unang pinagsasabihan para iexcuse sila sa mga susunod na klase. Tinatakwil na ata nila akoooo! TT______TT

--

4th class na namin. Sunod nito lunch na. Wala pa rin yung limang yun. Baka naman nagpractice na sila?! Andaya naman!! Di man lang nila ako tinawag kung ganun!!! O kaya baka naman nag-audition na sila?!! WaaaaaaaaaaaaaaH! Unfair naman kung ganun, di na nila ako sinali!!! TT______TT

--

LUNCH

As expected, wala pa ring Kian, Xavier, Jason, Zac at Cedrick na mukhang nakikita kong dumadaan o kaya naglalakwatsa kung saan-saan. Nakakawalang gana tuloy kumain!!! >,<

Pumunta ako sa orchard, wala sila dun. Pumunta ako sa cafeteria, wala sila dun. Pumunta ako sa CR ng boys, wala pa rin dun. (Oyy! Yung dun sa CR ng boys thingy, di po ako pumasok sa loob ng CR. May nakita lang po akong boy na lumabas ng CR at sa kanya ko tinanung kung nandun sila.)

Pinuntahan ko na lahat ng mga lugar pwedeng nandun sila, kaso wala eh. Saan na naman kaya nagpunta yung mga yun?!!

ANNOUNCEMENT STUDENTS OF QUINTON UNIVERSITY.

PLEASE PROCEED TO THE GYMNASIUM NOW.

I REPEAT. ALL STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE GYMNASIUM NOW.

May mga speakers kasi around tha campus para sa mga announcements tulad nito. Lahat ng mga students biglang pumunta na agad sa gymnasium. Yung iba nagpaiwan kasi may tinatapos pa.

CALLING MISS KHAEA SIMERYO FROM THIRD YEAR, SECTION 1. PROCEED IN THE FACULTY. I REPEAT: CALLING MISS KHAEA SIMERYO FROM THIRD YEAR, SECTION 1. PLEASE PROCEED IN THE FACULTY.

Ano ba yan! Ice cream cupcake naman oh! Psh. >,< Ano na naman kaya ang ipapautos nila sa akin?!

Pagkadating ko sa faculty, ang dami nilang inutos sa akin. Pinapunta pa ako sa college building, sa library, sa principal's office, guidance office. Ansakit na po ng paa ko!! Bakit pa kasi ako yung inutusan eh. >.< 

After nun, bumalik na ako sa faculty para ireport na tapos ko na yung ginawa ko. Pero wala naman nang tao. Ako na lang ata yung tao dito eh. Lahat sila nasa gymnasium na.

Ano bang meron dun? Biglaan naman ata yung pagpapatawag ah!! O.o

--

GYM.

Pagkapasok ko gym, sarado naman lahat ng pinto. Yung main door na lang yung bukas. No choice, edi dun na lang ako papasok. Wala namang nagsasalitang nakamicrophone sa loob eh. Ano naman kaya yung gagawin dito?! Audition?! Hayy.

Papasok na sana ako ng main door nang biglang may nagtakip ng mata at bibig ko!

"Tulong!!"

I was trying to shout. Pero walang nakakarinig. Ako na lang kasi yung nag-iisa dito sa labas eh! 

Eight Signs [EDITING/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon