--
*alarm*
Nagring na yung alarm clock ko. Wushuu. Antok pa ako eh. Three hours lang tulog ko eh. =.= Di ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Nagmuni-muni muna ako. Inaantok pa kasi ako eh. Mahirap pa man ding pilitin yung sarili kong bumangon.
Kung mahal ko nga talaga si Kian, paano si Xavier? Magkaibigan pa man din sila. Pero di ko pa alam kung totoo nga tong nararamdaman ko. Kung pagmamahal nga ba o sadyang paghanga. Naguguluhan nako. Ayoko namang lokohin ang sarili ko. Pero, one thing for sure, darating yung araw na malilinawagan ako at malalaman ko na ang tunay na nararamdaman kong to.
Naligo nako at nagbihis. Nagtoothbrush. Inayos gamit ko. Bumaba ng hagdan. Kumain.
Nandun na si Yaya Pina sa may kusina, iluluto palang niya yung breakfast ko.
"Oh. Khaea. Natanghali ka ata ng gising. Di ka ba nakatulog kagabi?" yaya Pina asked.
Aba. Yaya, pano mo alam? Kayo po kasi kung anu-anong sinabi niyo sakin kagabi. Yan tuloy, di na po ako makatulog. TT____TT
"A-ah. Di po. Ginawa ko lang po yung assignment ko. Nakalimutan ko po kasing gawin eh." wew. Palusotdotcom. \m/
"Sigurado ka? O baka di ka makatulog kasi naguguluhan ka."
Si Yaya Pina lang ata yung nakakaintindi sa akin. Halos lahat ng palusot ko, di epektib sa kanya. Alam na alam niya yung totoo.
"Eh. Kasi yaya--"
"Oo alam ko. Kumain ka na. Malalate ka na ata eh."
Kinain ko na yung breakfast ko.
--
Pagkadating ko sa school, LATE NA AKO! WAAAAAAAAAAAH! \(ToT)/
3 floors yung main building ng school. Kasama na din sa main building yung laboratory ng high school. Malas naman at sa 3rd floor pa man din yung room namin na naka-sched ngayong araw. ToT
Nung nasa 2nd floor palang ako. .
"Hoy. Hindi mo ba alam kung anong oras na?"
"Oh. K-kian. Bakit ka pa nandito?"
"Malamang. hinihintay kita. Di mo ba alam tumingin ng oras?! Late ka na oh! Si Sir de Vera pa man din yung first subject natin ngayon! Tss."
Ayy! Anak ng dinosaur! Si Sir de Vera ba kamo?!!! My gaaadd!! Siya pala yung masungit na teacher namin na daig pa yung matandang nagmemenopause sa sobrang sungit!! Errr.
Hinawakan niya yung kamay ko saka niya ako hinatak. Tumatakbo ba naman siya. Ang bilis pa naman. >o<
"May relo ka naman diba?! Di mo ginagamit?!! Tss. Late na tuloy tayo!!"
"H-ha?! T-tayo?!"
"Bingi ka ba?! Tsk. Di pa ako pumapasok sa room. Mahirap nang malate. Sa klase pa man din si Sir de Vera."
"T-teka. Sino ba kasing may sabing magpalate ka?!"
"Tss. Just shut up. Okay?!!"
Sungit naman oh. >.<
Bigla siyang huminto nung nasa tapat na kami ng stairs paakyat sa 3rd floor.
"B-bkait ka huminto? Akala ko ba late na tayo?" I asked. Kanina halos maputol na yung kamay ko sa sobrang bilis niyang tumakbo tapos ngayon tumigil siya na parang di man lang nagmamadali.
"Hoy! Bingi ka ba? Late na tayo oh!!"
"Palate tayo ng mga 30 minutes. 15 minutes palang naman tayong nalate oh. May kalahati pa."
BINABASA MO ANG
Eight Signs [EDITING/REVISING]
Teen FictionA story of love, hope and trust that relies on signs. A story of undying love and promises that they will hold on to meet each other once again. Where will eternity bring their love? Where will forever take their promises? When will the signs guide...