[ Chapter 28 ] FIGHTING! :)

118 4 0
                                    

[Chapter 28] FIGHTING! :)

--

"Ano kasi..Khaea.. uhm.."

"Ano?" grabe naman tong si Xavier. Di niya man lang ako diretsuhin oh.

"Ah. May gusto ka ba kay Kian?"

O.O

"Uh. Sorry to ask."

"Hindi naman. Bakit mo naman natanung?"

"Ah. Wala. Haha. Wala to. Nevermind about it. Haha. Masyado lang siguro akong naging malisyoso."

"H-ha?"

Lumabas siya ng kotse tsaka niya binuksan yung pintuan sa tabi ko. "Pasok ka na sa house niyo. Baka hinahanap ka na ng dad mo."

Lumabas na rin ako ng car. Aba, napakagenleman niya ata ngayon ah. Pinagbuksan pa ako ng pinto. "Ah. Sige."

Maglalakad na sana ako papalayo nang hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. 

"Oh? Bakit?"

"I just want to say na sana hindi ka magkagusto kay Kian. Kasi ayaw ko na malaman na yung taong minamahal ko, ang kaibigan ko lang pala yung gusto. Please?"

Nginitian ko na lang siya. Ayokong mag-promise na hindi ako kailanman magkakagusto kay Kian kasi mabigatt ang salitang promise. Niyakap niya ako ng mahigpit. Uminit ang pakiramdam ko. Parang di ko na naramdaman ang malamig na simoy ng hangin nung oras na yun.

"Khaea, mahal kita. Mahal na mahal kita." I can feel the secerity in his voice. Mahal na mahal nga ako ng taong to. Sana makalimutan ko na yung nararamdaman ko kay Kian para naman mahalin ko na si Xav.

--

Pagkapasok ko sa bahay, nandun sila mommy at daddy sa living room. Nagbabasa ng mga pocket books. Hinihintay ba nila ako?

"Good evening mom. Good evening dad."

"Oh. Khaea, ngayon palang uwi mo. Saan ka pala galing?" asked dad.

"Ah. Dad, kasama ko po si Xav, nag-mall po kami. Niyaya po niya akong i-escort ako sa party on Friday."

"Ah. Yes. I forgot to tell you. May party pala yung business partner ng business partner ng company natin and we're invited. I'm glad i-eescort ka ni Xavier. Anong ginawa niyo sa mall?"

"Uhm. Bumili po ng damit na susuotin sa party."

"Ah. Good. Sige, umakyat ka na at magpalit ka na ng damit."

Nagshower ako tapos nagpalit ng damit. Wew, kakapagod pala. Humiga agad ako sa kama ko. "Kapagod ah!" hayy.

Nag-scan lang ako ng notes ko sandali para prepared kung sakaling may surprise quiz bukas.

Agad akong nakatulog. Wuu. Pagod much eh. 8:30 ako nakatulog. Usually, ang normal time na pagtulog ko ay 9:30 or 10. Pero ang aga kong nakatulog tuloy.

Nagising ako. Teka, anong oras na ba? Madilim pa naman sa labas ah. Kinuha ko yung cellphone ko dun sa table na katabi ng bed ko. 3:15am palang pala. 

You have 5 messages.

Five messages?

Ahy. Puro si Xavier lang pala. 

--

From Xavier:

Goodnight. Sleep well. :)

--

From Xavier:

Tulog ng maaga ha? I love you. <3

Eight Signs [EDITING/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon