[ Chapter 2 ] Signs

211 6 0
                                    

Ang ganda ng gising ko ngayon.

Pagkagising na pagkagising ko, hinanap ko agad yung bato na binigay sa akin ni Zeus sa ilalim ng unan ko.Nilagay ko siya sa isang jewelry box para hindi mawala.

Naalala ko yung sinabi niya sa akin.

“Eto. May nakita akong bato. Hindi lang siya simpleng bato, hugis puso siya kung titignan mo. First time kong makakita ng ganyang bato kasi karaniwan na nakikita ko hugis bilog. At dahil unang beses akong nakita niyan, epesyal sakin yan. At ang mga espesyal na bagay ay nararapat lamang ibigay sa mga taong espesyal para sa akin. Kaya, eto oh.” Inabot niya sa akin yung bato. “Sayo nay an. Itago mo ha? Habang nasayo yan, ibig sabihin, magkaibigan pa rin tayo kahit anong mangyari. Okay ba?”

Siguro tama nga si Zeus, first time kong makatanggap ng ganitong bagay sa first na kaibigan ko kaya it should be right to treat it special no matter how simple it is.

Natatakot akong lumabas ng kwarto kasi baka makita ko sila mommy at daddy at pagalitan ako dahil sa nagawa kong kapalpakan kagabi.

Di ko naman kayang magkulong sa kwarto ko sa duong araw. Tsaka ginugutom na ako.

Ano naman kung magagalit sila mommy at daddy sa akin? Sabi nga ni Zeus na “…kung papagalitan ka ng mama at papa mo, harapin mo, wag kang matatakot. Ipakita mo sa sarili mo na matapang ka dahil parents mo naman sila eh. Minsan, kailangan mong matikman ang pait ng ampalaya para maging malusog ka.”

Ang lalim ng sinabi niya pero nagets ko naman.

Bumaba ako sa stairs at pumunta sa dining room para kumain. Andun pa pala sila Mommy at Daddy. Late ata silang papasok ngayon sa office para pagalitan ako. (feeling ko lang)

“Good morning mom. Good morning dad”

“Bakit ngayon ka lang bumaba sa kwarto mo?! We’ve been waiting for you to come here young lady!”

“Sorry dad.” L

“Let’s talk about what happened to you last night during the party. What happened to you?! How did you do that to us?! Ang alam ko na ang galling-galing mo pa at ang mga pinakamagagaling pa na pianists at singers ang inatasan ko para turuan ka para gumaling pa yang talent mo and we even entered you to an exclusive school. What more could you want?!” galit na wika ng dad ko.

I began to cry. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sabi ni Zeus na maging matapang ako.

Eight Signs [EDITING/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon