06 - MONTHSARRY

693 17 0
                                    

CHAPTER 6
MONTHSARRY
______________________________________

HULING araw na ng aking exam kaya magkakaroon kami ng Sem-break. Tinignan ko ang relo sa taas ng pader sa classroom ko. Inantay ko ang pag-tungtong ng mahabang kamay nito na mapunta sa alas-dose.

'Ding, Dong, Ding, Dong'

Tumunog na ang bell at excited akong pumunta ng mansyon para batiin si Denzel dahil 1st monthsarry namin ngayon.

Binilisan ko ang paglabas ng iskwelahan at sumakay agad ng trycicle, biglang may kung anong kaba ang narandaman ko.

Pagtungo ko sa gate ng Casa De Chevalier ay parang ayoko nang pumasok. Bigla akong pinawisan at na-estatwa ako sa labas. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ito o hindi.

Dumungaw ako sa bintana ni Denzel at hindi ito naka-bukas. Biglang bumukas ang gate kaya napatalon ako sa gulat. Tumambad sa aking harap si Ysabella.

"Uyy! Beshie naka uwi kana pala! Halika na wala tayong gagawin ngayon dahil pumunta si Hillary sa floor ni sir I'm sure magiging busy yung dalawa" Hagikgik ni Ysa na ikinalungkot ko.

Si Hillary?.. kasama si Denzel ngayon?

Kinabahan ako lalo at ikinuyom ang aking mga kamay, nalaglag naman ang aking bag sa lapag ng hindi ko namamalayan.

"Huy ses! Okay kalang?! Para kang nakakita ng monster rawr!" Pagbibiro niyang hindi nakakatawa dahil nag-aalala na ako.

Huwag kang tumayo lang diyan Zai! Sayo si Denzel!

Pero Hindi nga kasi ito ang storya mo! Ikaw ang nag-sisira ng relasyon nila!

Zai..Isipin mo ulit yung sinabi sayo ni Denzel.. Alalahanin mo!

Tila may nag-aaway sa aking isipan, ngunit mas sinunod ko ang aking puso. Tumakbo ako pa-pasok ng gate at papunta sa loob ng mansyon. Sumigaw pa si Ysa para tawagin akk ngunit hindi ko siya nilingon pa.

Nagmadali akong umakyat ng hagdanan papuntang 3rd floor at pagkapunta ko doon ay nagdahan-dahan ako ng paglakad. Walang tao sa office, madilim sa hallway.

Nang mapunta ako sa tapat ng kuwarto ni Denzel ay may narinig akong isang malakas na kalabog kaya nabuksan ko ito ng biglaan sa pag-aalala.

There... I saw Denzel in the bed, nakapatong sa kanya si Hillary, may decorations sa kanyang kuwarto, may red roses petals sa lapag at may wine at dinner sa table.

Date nila ito! Pero sinira mo!

Nanlaki ang mata ni Denzel ang makita ako sa pintuan na kakabukas lamang, si Hillary naman ay nakatingin din sa akin na nagtataka.

"H-Happy monthsarry..." Tumulo ang luha ko ng sinambit ko iyon, "B-break na tayo... I was wrong, You we're wrong!" Sigaw kong nananakit na ang aking dibdib.

"Zaiyen.. I-its not what It looks like, please.." Tumayo si Denzel at tinulak si Hillary pa-alis sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ng mga palad ko, hindi naman ma-alis ang aking mga tingin kay Hillary na ngayon ay umiiyak na.

"Z-Zaiyen.. Please listen to me first...Please.." He begged.

"What's written in the book will always be in the book, hindi na ma e-erase... We can never change it... at ang ending sakanya at sakanya ka parin mapupunta!" Himihikbi kong sigaw sa kanya.

"D-Denzel.. You we're never mine... and you will never be mine! I was starting to hope that I have a chance to be free... to l-love you.. Because for f*cks sake I already have f-fallen for you eh, dati pa!" Sigaw ko sa kanya.

ONE OF US: PEEK A' BOO! #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon