01 - HIS RETURN

1.8K 36 2
                                    

CHAPTER 1
HIS RETURN
______________________________________

ISANG tapik ang aking naramdaman.
"Psst! Zai, Gumising kana! May emergency tayo!" Nanay Lumina tapped my shoulders and slowly shook my body to wake me up.

Sinubukan ko na buksan ang aking mga mata at dumungaw sa orasan na nasa gilid lamang ng aking silid. It was only 3AM in the morning but I can hear scatters outside the door.

I slowly sat down and stretched my arms up arching my back, yawning. My eyes are still teary and my mouth is dry, even my lips.

"Ano po ba ang meron ma?" Tanong kong inaantok kay mama.

"Biglang umuwi ang anak nila Mr. Chevalier nak, kailangan natin agad siya pag-handaan, may isang oras nalang tayo, " She then stood up and fixed her dress.

Agad naman siyang sumali sa kaguluhan sa labas at nagmamadaling isinara ang pinto dahilan kung bakit napaka lakas ng tunog na iyon at bahagya akong napatalon sa gulat.

'Is it him? Siya na ba ang Male Lead na tinutukoy ko?'

Napa iling nalang ako at tumayo galing sa aking higaan, kumuha lamang ako ng tuwalya at agad pumasok ng CR upang maligo.

______________________________________

MAKARAAN ang isang oras ay natapos din kami sa pag-linis at paghanda ng makakain ng darating na anak nila Mr. Jzionel at Mrs. Dianne Chevalier.

"Naku! Buti nalang at nakatawag kaagad si Ma'am dahil kung hindi uuwi si Sir ng wala sa ayos ang mansion at walang makakain" Daing ni Ysabella na aking bestfriend.

Mga maids kami ng Casa De Chevalier mansion, si Mama Illumina, ang head maid dito. Hindi ko alam kung sino ang totoo kong magulang ngunit ang alam ko ay niligtas ako ni nanay Lumina mula sa orphanage na dinadaluyan ko dati.

Dito na ako lumaki sa mansyon at noong isang araw lamang dumapi ang aking ika 14th na kaarawan. Balita ko ay 4 years na mas matanda sakin ang anak nila madame Dianne at siya daw ang umalok na kumuha sila ng scholar para sa kanilang paaralan.

______________________________________

ILANG minuto pa ay nagsi tayuan na kami sa aming pwesto sa labas ng pintuan ng mansyon upang salubungin ang sasakyan na papasok kung saan naroon ang anak nila Mr. And Mrs. Chevalier.

Isang BMW M3 na kulay puti ang pumasok sa di kalayuan na gate. Tinted ang mga bintana nito kaya wala kaming maaninag na mukha sa loob ng sasakyan.

Pagkadako nito sa aming harap ay naunang lumabas ang mga body guard at humarap si Mama Mina upang maalalayan ng wasto ang binata.

Pagka tapak sa labas ng isang itim na sapatos. Isa itong Calvin Klein Casual - Men's Bram Oxford shoes. Isang expensive brand.

'Mga mayayaman nga naman...'

Lumabas siya ng tuluyan sa sasakyan ng nakatalikod at bahagyang lumingon upang humarap saamin.

"Ate... nakaka laglag panty..." bulong ni Ysabella sa aking tabi.

He was tall, 6'2 at the age of 18... A neatly fixed hair and slight sway of bangs on the right side of his face, not covering his eyes nor his nose. His eyes were silver grey and his body was mascular but not too buff, his muscles were enough to make his clothes look so small. His arms and hands are dripping with veins and his aura is so intimidating.

'Grabe! Siya nga ang katulad ng mga billionaire, mafia boss na aking nababasa sa mga libro! He's the Male Lead in this book!'

Napangiti ako sa nakita ko at bahagyang naglakad siya patungo sa akin. Tumibok ng malakas ang aking puso na tila may inaasahan itong mangyari na hindi ko alam.

ONE OF US: PEEK A' BOO! #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon