CHAPTER 11
SET YOU FREE
______________________________________HINDI ko pa rin naisasayaw ang kambal pati si Rainer tumatanggi kasi sila at sapilitang mamaya nalang daw makikisayaw sa akin.
Ang last dance ko nalang ang kulang at hindi ko alam kung sino sa kanila ang kukunin ko dahil alam kong mag seselos o magagalit ang isa.Hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan at bahagyang kinabahan ako nang biglang nagsi tayuan ang tatlo at naglakad patungo sa aking kinaroroonan. Hindi ko magawang gumalaw dahil nahihiya na ako.
"Mi amor, Dance with us three?" Tanong ni Rainer na malaki ang ngiti sa kanyang mga labi.
Napatawa naman ako sa sinabi niya pero maganda ring ideya ang pag-sayaw ko sa kanilang tatlo ng sabay. Isa-isa kaming nag hawakan ng kamay at nag porma ng bilog. Sumayaw kami ng marahan upang masabayan ko ang bawat pagsalit-salit nila sa akin.
Napakasaya ko sa oras na iyon na tila, wala na akong maaninag na ibang tao kundi sila lamang habang nagsasayaw ay tuloy-tuloy ang aking pag-tawa at ngiti. Ganon din sila Lawrence at Lawson, Si Rainer naman ay hindi maalis ang ngiti at tahimik lamang akong pinagmamasdan.
"Ang ganda mo, My princess... " Sambit ni Lawrence.
"She's like a sun giving brightness inside our darkest lives..." Mahinhin na sinabi ni Lawson.
"And our darkest desires.." Rainer whispered.
Bawat pag palit ko ng palad na hawak ay may ibat-ibang sensasyon ang aking nararandaman. Malamig ang kamay ni Rainer, Mainit naman ang kay Lawrence habang si Lawson ay katamtaman lang.
Ano to Hot Medium and Cold?
Napatawa ako sa naisip ko at nang matapos ang kanta ay niyakap ko silang tatlo. Niyakap din naman nila ako pabalik at nagsi balikan sa mga upuan.
______________________________________
NATAPOS na ang party at kakaunti nalang ang tao na nag kukwentuhan at kumakain. Lumpit na rin bahagya si Denzel sa akin ngunit hindi ko ma-aninag kung nasaan na ngayon ang girlfriend nito.
"Let's go, aalis na rin kami in 30 minutes" Malamig niyang sambit sa akin habang tumitingin sa kanyang relo.
Tumango naman ako at naglakad pa-pasok ng balkonahe. Agad naman niya akong sinundad at isinara ang pinto sa aming likuran.
Sumandal ako sa marble railing ng balkonahe at inalalayan ko ang sarili ko gamit ang aking mga kamay. Tahimik akong naka tingin sa mga bitwin at huminga ng malalim. Randam ko ang paglakad ni Denzel pa lapit sa akin at tumayo sa aking tabi.
"Are you happy?" Nanghihina kong tanong.
Wala siyang imik ngunit ramdam ko ang pag-tango niya na nasilip ko naman sa gilid ng aking mga mata. I smiled painfully, pilit kong iniyuko ang aking mukha dahil natatakot akong lumabas ang aking mga luha.
"Denzel... I mean Mr. Chevalier, I'm happy for you." Nanginig ang aking tuhod habang sinasabi iyon sa kanya.
"Look, If you want to talk to me... face me" Aniyang pa-utos na sinunod ko naman.
I faced him and looked deeply into his shiny ash eyes. Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang aking pag-hikbi at hinawakan ko ang kanyang kamay.
"My sun... Thankyou for the best gift you've given me in my life, Thankyou kasi... Kahit papano ay naaninag ko ang liwanag mo... and just like other Sunset, I'll wave you off goodbye." Bahagya nang lumabas ang aking naiipong luha at pinunasan ko iyon agad gamit ang aking braso ngunit hindi ito tumitigil sa pag-agos.
BINABASA MO ANG
ONE OF US: PEEK A' BOO! #1
RomanceZaiyen Advincula has Dielusional Disorder. Where she make up things in her mind and believing its real. She thought that she reincarnated as Zai after she got hit by a car with her family. She was then sent to the orphan and stayed there until she w...