13 - PLAN

299 13 0
                                    

CHAPTER 13
PLAN
______________________________________

ISANG linggo na rin ang nakakalipas nang magsimula kaming manirahan dito sa BLACK DEN, hatid sundo ako nila Lawrence at Lawson bago sila pumunta ng kanilang mga trabaho. Si Rainer naman ay maagang umuuwi upang paglutuan kaming lahat ng gabihan.

Si Denzel at Shane naman ay laging magkasama, nag da-date man o nagtatrabaho.

Nagulat ako nang isang araw ay biglang hindi umuwi sa bahay si Shane at sabi daw si Denzel ay may pupuntahan daw siyang party ng kanyang kaibigan.

AiraNaMay2Daddies:
Sorry hindi ako naka message for so long, kaka uwi ko lang ng bahay yesterday. Na-kidnap ako nila Pearl at Shane. Sakto ay may GPS na kinabit sa kuwintas ko sina Iver at Sean kaya kaagad akong nailigtas.

Teka...shane? Baka ibang shane ang tinutukoy niya.

ZaiNaWasakAngPuso:
Shane? Sino iyon? Buti nalang at ligtas ka! I'm sorry wala akong magawa lumipat na ako sa States kasama sina Rainer at yung kambal. Nandito din si Denzel at yung girlfriend niya na shane din ang pangalan.

Agad akong nag reply sa kanya at tumungo sa aking kuwarto upang paghandaan ang kanyang sasabihin. Kinakabahan ako dahil ayokong mapunta sa peligro ang kahit sino man na nasa pamamahay na ito.

Lalong-lalo na si Denzel...

AiraNaMay2Daddies:
Shane Deanize Alonte, kasabwat ni Hillary Gwen Quillop AKA Pearl. Siya ang nag spy sa amin upang malaman ang bawat galaw ng Zherdev at Squovic laban sa kanila but we got rid of the cameras she hid in the Mansion.

ZaiNaWasakAngPuso:
Airanne... Siya nga ang girlfriend ni Denzel. Baka may balak din sila na pabagsakin ang Chavelier, Zamora at Hendersons. We have to make a quick plan.

Tama nga ang kutob ng aking puso, ngunit hindi ko sila pwede sabihan dahil baka mahalata ni Shane. Kailangan kong mag plano para malaman ang motibo ni Shane dito, hindi ko alam kung sasabihan ko ba ang kambal at si Rainer pero mukhang mas makakabuti kung sa akin nalang ito muna.

AiraNaMay2Daddies:
Alam ko na, I'm sure Denzel still has feelings for you, make him jealous and he might wind up breaking up with her. Magpapa-alam ako kina Iver para maka dalaw diyan. Sabay tayo mag training for Self-defence.

Napangiti ako sa sinabi niya at kaagad na nagplano sa aking isipan kung ano ang aking magiging inag hakbang.

Operation, Saving The Mafia clan.

Kailangan kong patatagin ang sarili ko, sabi nga ni Ysabella ay maaari din akong mag work-out dito sa Amerika dahil magaganda ang mga establishimento dito upang maihubog ko ng maayos ang aking katawan at matuto akong lumaban para sa sarili ko.

I need to change in order for me to sucess, this will be my sucess...

#GoodGirlNoMore

______________________________________

DUMATING na ang araw kung kailan kami magkikita ni Airanne, ligtas na siya ng pansamantala dahil Nabaril daw si Pearl at nabawasan ng marami ang kaniyang mga tauhan noong iniligtas siya ng mga Zherdev.

Ngunit alam naming maghihiganti ang mga ito sa oras na makapagpagaling ang bruha na iyon. Huminga ako ng malalim at inihanda ang aking sarili.

In order for me to be fearless is to look fearless...

May ipinadala saking damit si Airanne na susuotin ko sa lugar na pupuntahan namin. It was a Red strapless glossy dress na hanggang hita ko lamang at red stilletos. Mayroon din itong kasama na black leather jacket.

ONE OF US: PEEK A' BOO! #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon