10 - NOT MY LAST

318 14 0
                                    

CHAPTER 10
NOT MY LAST
______________________________________

DUMATING na ang araw ng aking kaarawan at sadyang nagising ako ng maaga upang makapag handa. Inalalayan ako nina Mama Illumina at Tiya Dianne sa pag-aayos ng aking sarili.

Niregaluhan naman nila ako ng simple mesh, flowy yellow dress na off shoulder at may slit ito sa aking kaliwang binti. Nag Hire naman sina Tita Dianne ng Make-up artist para maayusan ako.

Lubos akong nagpapasalamat sa kanila dahil tinaggap rin nila akong parang sarili nilang anak, sila ngayon ang tinuturing kong pangalawang ina at ama ni Don Jzionel.

"Hija... Kahit ano ang mangyari ngayon ay wag na wag kang iiyak ah? Sayang ang mamahaling make-up. Atsaka napaka ganda mo!" Hiyaw ni Tita Dianne at tsaka ako niyakap.

Niyakap ko siyang pabalik at sumunod naman si nanay Illumina na yakapin ako. Nginitian niya ako at inayusan ng buhok. Pinusod niya lamang ito at nilagyang ng sumflower clip sa aking buhok.

"Anak... Tandaan mo na kahit anong mangyari andito kami para sa iyo, Lakasan mo ang loob mo." May kung ano ang nagsasabi sa akin na parang babala iyon ni nanay Illumina.

Tumubok ng malakas at mabilis ang aking puso na tila kinakabahan at natatakot ngunit kailangan kong lakasan ang aking loob upang harapin si Denzel.

Mahal na mahal ko parin siya.

Mayroong kumatok sa pintuan at bigla itong nagbukas. Nag-aabang na pala ang kambal at ang amerikanong malandi sa amin. Nakakatawa silang tignan habang naiinip kaka-antay kanina.

"The party is ready, at alam kong tatanongin mo rin kung nasaan na si Denzel, No... wala pa." Sambit ni Lawrence at inalukan niya ako ng kanyang braso.

Tinanggap ko naman iyon at kumapit ako sa kanyang braso at nginitian ko siya pabalik. Inalalayan niya ako papunta ng party hall hanggang sa makarating kami sa tuktok ng hagdan na pagbababaan namin.

Nakita ko ang mga bisita, maraming mayayaman at nandoon din si Ysabella at iba pang katulong. Naka-upo rin si Chef hans sa gilid habang kausap si Butler Wade na tila nagkakasundo ang mga ito.

"You look beautiful sweetie, You should smile a lot more." Bulong ni Rainer na nasaking likod.

Napangiti ako sa sinabi niya at lumakas ang aking loob upang kumaway sa mga taong nasa ibaba. Kumaway naman din ang iba sa-akin ng nakangiti at tila galak sa aking pag-dating.

I feel like a princess... sanaol diba?

Mayroong lalaki at babae naman na biglang pumasok ng pintuan sa kabilang entrance, kitang-kita ko ang pag-pasok nila. Parehas silang gwapo at maganda. Hindi mawala ang tingin ng mga taong sumusulyap sa kanila.

It was Denzel... with another woman.

Nanlaki ang aking mata at bahagya akong napalunok sa aking nasaksihan. Kapit na kapit ang babae sa kanya habang hawak ni Denzel ang beywang nito. They smiled at each other and greeted some of the guests, hanggang sa napa-tingin sa taas ng hagdan si Denzel.

Nagtama ang aming mga tingin ngunit imbis na bigyan siya ng masamang tingin ay nginitian ko na lamang siya at iniwasan. Kung masaya naman na siya ngayon sa pinili niyang tahakin at mahalin ay doon na rin ako, ngunit hindi ko siya kakayanin na kausapin o pansinin.

Ang araw na ito ay kung kailan ko siya palalayain at mag papaalam. Hindi niya to alam ngunit nakipag-usap na ako kina Tita Dianne at Tito Jzionel tungkol sa pag-lipat ko ng pag tatrabahuan.

Inalokan kasi ako ni Rainer ng magandang architechture branch sa Amerika, sasamahan naman daw ako nilang tatlo doon. Sumang-ayon naman ako dahil ayokong palagpasin ang pagkakataon na ganito, kahit naman na gusto kong manood ng buhay ni Denzel ay may sarili parin akong buhay.

ONE OF US: PEEK A' BOO! #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon