CHAPTER 3
PRIZE
______________________________________TATLONG taon ang lumipas ay dumating na rin ang panahon kung kailan ibibigay na nila Mr. Jzionel at Mrs. Dianne Chevalier ang kanilang mga pagmamay-ari kay Sir Denzel.
Nasa meeting sila ngayon at maya-maya ay magkakaroon siya ng congratulatory party para kay Sir Denzel dito mismo sa Casa de Chevalier.
Handa na ang mga lamesa, ang maliit na stage, may mga bulaklak sa paligid at halatabg mayayaman ang magsasalo-salo.
Isa-isang dumating ang mga bisita, lahat sila ay nakasuot ng pormal at mamahalin na mga damit. Ang pinaka huli na pumasok ay si Sir Denzel na hindi marunong ngumiti.
"I am very proud of you my Son" sambit ni Mr. Jzionel kay Sir Denzel na tumango lamang.
Niyakap naman siya ng hindi ka higpitan ng kanyang ina at bumaling na ang atensyon nila sa iabng bisita.
Inilabas niya ang kanyang cellphone at kinalikot ito nang biglang may tumunog sa aking pantalon. Yung cellphone ko pala, iniregalo to sakin ni Mr. Denzel noong naka graduate ako sa senior high dahil naging valedictorian ako.
DenzelDaddeh:
When am I able to claim my prize you promised?Nagulat ako sa kanyang text at napa tingin pa sa kaliwa at kanan bago ito replyan.
Zailiciousbaby:
Ano kaba ser! Relax, You'll see!Nakita ko naman siyang ngumiti ng maliit ng mabasa ang aking reply sa kanya. Mag-aalangan na sana ako ngunit dahil masaya siya ngayon ay hindi ko na ito ininda. Malapit na niyang makilala ang naka-tadhana sa kanya.
______________________________________
PAGKATAPOS ng dalawang oras ay pumunta na sa stage ang mga magulang ni Sir Denzel Upang mag anunsyo ng importanteng balita.
Nagsitahimikan ang lahat at itinutok ang pansin sa kanila na nakatayo na sa stage ngayon at may hawak na microphone habang naka tayo naman sa kanilang tabi si Sir Denzel.
"Ladies and gentlemen... Meet, Hillary Gwen Quillop, My son's future wife and partner in business." Pagpapakilala nila sa isang babae na malaki ang hubog ng katawan.
Nagulat ako sa kanilang sinabi at medyo sumukip ang aking dibdib. Dumiretso ang babae sa kanilang kinaroroonan at umakyat sa stage ng marahan habang kinekendeng ang kanyang mga balakang.
Ang arte ate gurl ah... Teka! Bat ako naiinis?!
Napakagat ako ng labi sa aking iniisip, na baka siya na ang Female Lead na dumating ng kusa sa buhay ni Sir Denzel at pag tagal ay magugustuhab din ito ni Sir.
Kinilig ako sa aking naisip at napakagat sa ibaba kong labi na parang mayroon paring gumagabagab sa aking dibdib.
Masaya ako na medyo...nauulirat sa... galit? Inis? Ano?
Zailiciousbaby:
Surprise! Meet your Future! ;) wag mag iingay sa gabi ah nasa ibaba lang ag aking kwarto.Napangiwi si Sir Denzel sa nabasa niya sa kanyang cellphone na tila di ito nagugustuhan. Pinatay niya lamang ito at itinago sa bulsa ng kanyang pantalon. Kinuyom niya na lamang ng mariin ang kanyang mga kamay kaya naging mas halata ang pag litaw ng kanyang mga ugat.
Apaka hot naman kasi ni ser, deserb niya maging Male Lead, kaso need kona mawala out of the picture.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang inaasta niya ng biglang inambahan siya ng yakap ni Hillary. Umiwas ito at naglakad pababa ng stage. Halata sa kanyang mata ang mga apoy na nagliliyab sa kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
ONE OF US: PEEK A' BOO! #1
RomanceZaiyen Advincula has Dielusional Disorder. Where she make up things in her mind and believing its real. She thought that she reincarnated as Zai after she got hit by a car with her family. She was then sent to the orphan and stayed there until she w...