Prologue

33.2K 538 18
                                    


D I S C L A M E R :

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

⚜️

[Elise Amber Fortalejo]
Started: June 2015
Finished: April 15, 2016

{Currently EDITING po so expect Typos, Wrong Grammars, Unorganized POVs, paragraph spacing na umaabot hanggang outer space 😂 , Jejeness etc.

In short, this book is full of flaws but I'm doing my best to slowly polish it and make it a better book. If you still intend to read it then thank you so much for reading my gem. — Gorgeybelle 😉❤️ }

Ps. Please VOTE and leave a COMMENT because I love reading comments. Thanks gorgeous!

⚜️

P R O L O G U E

Natutop ko ang bibig ko nang makita ko na ang resulta ng pregnancy test. Dalawang guhit ang lumabas doon at ang ibig sabihin nga niyon ay positive! Buntis ako!

Sandali pa akong napaawang ng bibig bago nakapagsalita.

"Hindi maaari! Anong gagawin ko, Vivian?" Tanong ko kay Vivian na halatang nagulat din sa resulta.

Hindi ko na napigilang mapaiyak, ano nang gagawin ko ngayon?

"Sorry, Elise, hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin... pero siguro... kailangan tong malaman ng mga magulang mo?" Sagot niya na mas lalong nagpabigat sa loob ko.

"Hindi pwede, Vivian. Hindi ko alam kung anong magagawa ng mga magulang ko sa akin. Baka itakwil nila ako. Ayoko." tugon ko sa pagitan ng pag-iyak, sumubsob ako sa balikat ni Vivian at doon ibinuhos ang nararamdaman kong takot, kaba at galit para sa sarili ko.

Hinagod naman ni Vivian ang likod ko para mahimasmasan. "Sshh... tahan na. Kung ayaw mong sabihin sa mga magulang mo, siguro mas maganda kung hanapin natin at humingi ka ng tulong sa ama ng bata." Saad ulit nito.

Pero paano? At saan? Maski pangalan niya ay hindi ko man lang alam, paano ko hahanapin ang estrangherong nagnakaw ng puri ko at pagkatapos ay nagbunga pa! Paano? Tama nga ang laging sinasabi nila mommy, na nasa huli ang pagsisisi.

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon