Sorry! Trying hard lang :D Thank you kay Google!〜Ꮘ〜
Wedding Garden Venue ang napiling pagdadausan nila Elle. Nagkalat ang iba't-ibang klase ng bulaklak at mga halamang may matitingkad na kulay sa buong paligid. May mga fountains at fishpond din sa paligid.
I fell inlove with it at the first sight! Pakiramdam ko ay nasa isang fairyland ako. The place is very romantic to have a wedding in such setting!
Laglag ang panga ko habang nililibot ng paningin ko ang buong lugar.
"You like the place?" Pagkuwa'y tanong ni Gab sa tabi ko.
Nakaupo na kami ngayon sa reserved table para sa'min. Kasama namin sa mesa ang mag-asawang si Arnold at Jane na ngayon ay sweet na sweet sa isa't-isa.
Tumango ako sa kanya, "Oo.. Ang ganda dito." namamanghang pahayag ko.
"Oh bro, may ideya kana para sa kasal niyo. Nararamdaman kong kayo na ang susunod." panunudyo ni Arnold.
Patay malisyang nag-iwas lang ako ng tingin sa kanila at patuloy sa pag-oobserba sa paligid. Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Gab sa sinabi ni Arnold.
Mukhang maayos at okay naman siya kanina. Binati pa nga niya kanina sina Elle at Scott nang nag-picture taking kami kanina sa simbahan. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Hinihintay kong sabihin niya sa'kin kaninang umuwi na kami pagkatapos ng kasal pero siya pa ang nagyaya sa'king dumalo pa rito. Nagkibit-balikat na lang ako kanina. Is that a good sign already?
Kaunti at pili lang ang mga dumalo sa kasal. Mukhang mga kapamilya at malalapit na kaibigan lang ang imbitado sa kasal nila. First time kong dumalo sa ganitong pagtitipon kaya naman nakaramdam ako ng excitement sa mga magaganap rito.
Natigil ang background music nang may lumabas na isang babae. May hawak itong mic, mukhang siya ang magiging emcee sa event.Pinatunog nito ang hawak na microphone at saka nag-umpisa nang magsalita.
"Hi everyone! Isn't this a very enchanting day? Everybody's looking very beautiful and handsome. Everybody's looking very happy. And we all know why." umpisa ng emcee. Nakuha nito ang atensyon ng lahat. Lahat ay natahimik at nakinig sa mga susunod nitong sasabihin.
Marami pa itong binati at sinabi, "And now... the moment we've been waiting for... I'll have to ask everybody to stand up, up on your feet and direct your eyes to the hallway... Ladies and gentlemen it is my honor and privilege to introduce to you for the first time as Husband and Wife, our lovely newlyweds- Elle and Scott Astrid!"
Nagsitayuan kaming lahat at pumalakpak para sa engrandeng pag-entrance ng bagong kasal.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
Naghiyawan ang lahat nang sa wakas ay lumabas na ang bagong kasal at naglakad papunta sa harap. Hindi pa rin sila nagpapalit ng gown, nakapaskil sa mukha nila ang kasiyahan sa isa't isa.
Matapos nilang magpasalamat at bumati ay nag-alay muna kami ng prayer of thanks giving. Sumunod naman ang Cake Slicing at Wine Toasting Ceremony.
Pumagitna ang isang napakalaking three layer white ruffled cake na napapalibutan ng peach and hot pink flowers! Bagay na bagay ang cake sa lugar. Magkahawak kamay na nagslice sila ng cake at saka inilagay sa isang platito. Sweet na sweet sila nang magsubuan sila ng cake. Parang mga batang nagtawanan pa ang mga ito nang pahidan nila ang isa't-isa ng icing sa mukha.
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love