Just a short update~*~
[GAB's POV]
"PARE! Sa wakas nakarating ka! Long time no see, huh?" bungad sa akin ni Arnold nang makarating ako sa bahay nila.
Nagfist bump kami at saka nagtawanan. He's one of my buddy during my college days.
"Happy Anniversary sa inyo ni Jane, pare." I greeted him and his wife. Nginitian naman ako ni Jane, ang asawa ni Arnold.
Classmate din namin si Jane no'ng college at palagay ko ay doon nagsimula ang love story nila.
Ngayong araw kasi ang First Wedding Anniversary nila and they planned to celebrate their anniv with their friends— with us.
"Mabuti naman at nakarating ka pare. Ikaw na lang kaya ang wala. Kanina pa narito ang iba pati si El—"
"Ahh.. Gab, mabuti pa pumunta na tayo sa pool area. Nandoon na silang lahat at baka hinhintay na tayo." agap ni Jane.
I get what Arnold is saying. Narito rin si Elle. Malamang ay inimbitahan rin siya.Kaklase din kasi namin siya noong college. But I didn't expect na pupunta siya.. I thought she was busy on her wedding preparations.
"O-Okay." tugon ko bago kami tuluyang nagtungo sa kanilang pool area.
Malapit pa lang kami ay naririnig ko na ang hiyawan at tugtugan doon. Nang makita nila kami ay agad silang lumapit lahat sa amin.. except Elle na mukhang biglang nailang sa presensya ko.
"Look who's here! What's up, bro?" tanong ng isang kabatchmate ko.
"Maayos naman." ngiting tugon ko.
Nagkamustahan pa kami ng ibang mga kaklase ko bago nila ako pinaupo sa isang malaking round table. Magkakaharap kami lahat doon at magkaharap kami ngayon ni Elle.
Naakto ko siyang nakatingin sa akin at nang akmang iiwas na ito ng tingin ay ako na ang unang bumati sa kanya.
H-Hi Elle.." hindi ko alam kung narinig niya ba 'yon dahil mahina lang ang pagkasabi ko.
Tumango ito at sumagot naman, "H-Hello, Gab."
Tumikhim sila Jade at Arnold at halatang nanunudyo. Umiling-iling lang ako sa kanila at nakuha naman ng mga ito ang ipinapahiwatig ko.
"Let's enjoy the party guys!!! Ngayon lang tayo ulit nagreunion kaya sulitin na natin ang gabing 'to. Woaaahh!!" Sigaw ni Arnold bago binuksan ang champaigne at isa-isang sinalinan ang kanya-kanya naming wine glass.
"Okay guys. Let's toast for this reunion and ofcourse for our wedding anniversary!!! I love you Arnold! Cheersssss!" itinaas ni Jane ang wine glass at saka sumunod namin naming itinaas ang sa amin. Naghalikan pa ang dalawa sa amin at ganoon din ang ibang kabatch namin na ngayon ay may asawa na rin.
"Ano ba yan! Nang-iinggit na naman kayo! Kayo na ang may love life!" bitter na saad ni Tobby. Single pa rin siya hanggang ngayon.
Nagsimula na ang inuman at sayawan. Lahat sila ay busy na sa kakasayaw at kakaswimming. Mukhang masayang masaya sila lahat. Samantalang ako ay nakabusangot lang na nanonood sa kanila sa gilid.
![](https://img.wattpad.com/cover/42738858-288-k15462.jpg)
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love