ELISE"She's polite and... gorgeous." tugon ni Gab sa kanyang pinsan na siyang dahilan ng pag-init ng mga pisngi ko.
Halata namang kinikilig si Vivian sa sinabi ni Gab...or should I say, pambobola?
"I agree, couz!" palatak nito.
Nag-iwas na lang ako ng tingin kay Gab dahil pakiramdam ko ay nauumid ang dila ko sa tuwing nakatitig siya sa akin.
Ilang minuto pa ay iginiya kami ni Vivian sa isang table. Naroon ang kanyang Ate Venice at ang mga pinsa nilang nagtatawanan. Bagama't natatakpan ng mga maskara ay mahahalatang lahat sila ay may kanya-kanyang karismang tinataglay. Gandang lahi!
Ipinakilala nila ako sa mga pinsan nila. Halos lahat pala sila ay nakapagtapos na at may mga kanya-kanyang propesyon na. Si Vivian na lang ang nag-aaral at siya ang pinakabata sa kanilang lahat. Ayaw daw ni Vivian na itinuturing siyang bata ng mga pinsan niya. Kaya pala ganoon ang reaksyon niya kanina ng binati siya ni Gab!
Iniwan muna kami ni Vivian dahil kailangan na raw nitong magprepare. Mag-uumpisa na raw kasi. Ngunit bago niya kami iniwan ay pinaalalahanan pa niya ang pinsan na huwag daw akong pababayaan. Sus!
Naiwan na kami ni Gab sa kalapit na table ng mga pinsan niya. Hindi naman ako masyadong na-op dahil kinakausap naman nila ako at palakwento rin ang mga ito. Maswerte si Vivian dahil mayroon siyang nga pinsan katulad nila. Oo nga't marami rin naman akong mga pinsan pero hindi naman kami ganoon ka-close. Karamihan kasi sa mga pinsan ko ay nag-migrate na sa ibang bansa.
Nagulat lang ako ng sabihin ng isa sa mga pinsan nilang bagay daw kami ni Gab at saka sumang-ayon naman lahat ng kanilang pinsan. Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko. Si Gab naman ay iiling-iling at patawa-tawa lang.
"Pagpasensyahan mo na ang mga pinsan namin ha? Palabiro lang talaga ang mga iyon." aniya. Tumango nalang ako.
Ilang minuto pa ay nag-umpisa na ang programa. Natutok ang atensyon ng lahat sa host ng party nang nagsalita ito.
"Goodevening ladies and gentlemen! Welcome to Vivian's sweet sixteen birthday party! And to formally start the program, let's now call the beautiful birthday girl, Vivian!" masiglang pag-uumpisa nito. Kasunod naman niyon ay nagpalakpakan na ang mga tao.
Natuon ang atensyon ng lahat nang bumaba si Vivian sa red carpeted na hagdan. Nakapagpalit na pala ito sa suot kanina, nakasuot na siya ngayon ng sequin white cocktail dress. Ang buhok niya ay ganoon pa rin ang ayos katulad ng kanina. Naka-curly side ponytail with french braid ito na bumagay sa suot niya. Pareho kaming nakaside ponytail. Matchy matchy!
Nang nakababa na ito ng hagdan ay inalalayan siya ng kanyang daddy papunta sa mini stage kung saan nakabalandra ang pangalan niyang gawa sa cake at napapalibutan ng sixteen candles. Ibinigay ng host ang mic sa kanya.
"Goodevening everyone! Before anything else, I just want to thank you all for coming tonight and making a part of my sixteenth birthday." saad niya. Marami pa siyang sinabi hanggang sa matapos ang kanyang speech.
Ang sumunod naman ay ang Candle lighting ceremony, dito ay isa-isang sisindihan ni Vivian ang labing-anim na kandila at isa-isang magpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay. Una niyang pinasalamatan ang kanyang mom at dad. Mangiyak-iyak si vivian ganoon din ang mga parents niya habang nagpapasalamat sa mga ito. Naalala ko tuloy sina mommy at daddy. Nagi-guilty ako kasi hindi ako naging mabuting anak sa kanila di gaya ng iniisip nila. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang pagdadalang-tao ko. Napansin naman ni gab ang biglang pagtamlay ko.
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love