Eto na ang update na hinihintay niyo readers! Enjoy! :)~*~
[GAB's POV]
"E-Elise.. Sorry pala kanina ha." paumanhin ko kay elise nang makasakay na kami sa kotse at papunta na sa bahay nila para ayusin ang mga pinamili naming gamit ng baby.
Tumingin siya sa'kin ng may pagtataka.
"Para saan?" takang tanong nito.
Napakamot ako sa batok ko.
"Tungkol sa.. ginawa ko kanina nung nasa counter tayo. I'm not really supposed to say and do that. Kaya sorry.." paliwanag ko rito.
Sandaling tinapunan ko siya ng tingin. Bakit parang bigla siyang tumamlay?
"A-Ah.. O-Okay lang. Wala yun. Hehe." sagot nito at saka ngumiti pero halatang pilit lang ang pinakita nito.
Mukha nga yatang masamang ideyang ginawa ko yun sa kanya kanina eh. There's a part of me na nagi-guilty. I used her just to save my ego and that was really a mistake.
FLASHBACK
Ang hirap din palang mamili ng mga gamit ng baby! Lalo na kapag hindi pa alam ang gender. Kanina pa ako napapakunot-noo kung ano ang mas pipiliin ko sa dalawang stroller. Kung yung color pink ba o yung blue?
Tatanungin ko sana si elise kaya lang pinasama ko muna sa isa sa mga sales lady dito para pumili ng mga maternity dress niya.
"Sir.. Nakapili na po kayo?" tanong sa akin nung sales lady.
"Hindi pa eh. Pwede bang pang-unisex lahat ng stroller dito?" tanong ko rito. Bigla naman itong napangiwi sa tanong ko.
Sht. Ano ba naman yung tanong ko?
"Ah.. Opo sir. Pwede naman po yun. Hindi niyo pa po ba alam ang gender ng baby niyo?" tanong nito.
Hindi ba halata?
"Oo eh.. Hindi pa kasi siya pwedeng magpa-ultrasound. Three months pa lang."
Napangiti naman yung babae.
"Ay! Ang sweet niyo naman sir. Ang aga niyong bumili ng mga gamit. Pero kung ako ang tatanungin sir.. mukhang babae po ang magiging anak niyo. Blooming kasi ang misis niyo." saad nito saka napahagikhik.
Oo nga. Blooming nga si Elise magbuntis. Sana kapag babae ang anak namin kasing ganda niya.
"Ganoon ba? Sige itong pink na lang ang kukunin namin."
"Okay po, sir.." anito at saka agad nang inayos ang stroller at dinala na sa counter.
Mahigit isang oras din kaming nagtagal sa department store sa pamimili ng gamit ng baby at ni Elise. Medyo nakakapagod din pala ang pumili. Pero at the same time masaya at bigla akong na-excite. Ang saya rin pala sa feeling na maging daddy.
"Naku.. Ang dami pala nating napili. Paano kapag hindi nagkasya lahat niyan sa kotse mo?" tanong sa akin ni elise nang nakapila na kami sa counter para magbayad.
"Don't worry, i'll handle that. Ako nang bahala." sagot ko rito.
She nodded and smile.
![](https://img.wattpad.com/cover/42738858-288-k15462.jpg)
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love