Chapter 26: Hormones

9.6K 256 3
                                    





"Elise!!!" bungad sa'kin ni vivian pagkapasok ko pa lamang sa classroom namin.



Yes. Pumasok na 'ko. Dalawang linggo rin akong excuse. Ipinagpaalam ako nila mommy sa adviser at sa mga subject teachers ko at naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko.




Alam nilang pinagtangkaan akong patayin ni jen at alam na rin nila ang tungkol sa pagbubuntis ko. Binisita kasi ako sa bahay ng mga teachers kaya doon na nila nalaman ang tungkol doon. Noong una, gulat na gulat sila at hindi makapaniwala.Pero kalaunan, sinabihan nila akong hindi pa huli ang lahat sa'kin at bata pa naman raw ako. Sabi naman nila susuportahan nila ako at tutulungang makapag-cope up agad sa mga na-missed kong lessons. And again i feel blessed and lucky dahil sa suportang pinapakita nila sa akin.





Pinilit pa nga ni mommy na 'wag na akong pumasok at mag home study na lang ako. Pero nagpumilit akong pumasok na lang. Tutal, pebrero na at dalawang buwan pa lang naman ang tiyan ko.






Pinaramdam talaga sa'kin ng mga magulang ko na hindi nila ako ikinakahiya. Kahit na ganito ang nangyari sa'kin pinagmamalaki pa rin nila ako. Although may mga ibang taong nadissappoint dahil sa nangyari sa'kin. It doesn't really matter anyway, all that matters to me is my parents.




Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay nakarinig na ako ng bulong-bulungan tungkol sa'kin. Pakiramdam ko palaging may nagmamasid sa mga kinikilos ko. Well, expected ko na talaga 'to. Hindi talaga maiiwasang maka-encounter ako ng mga chismosa at walang magawa sa sariling buhay. Hinayaan at inignora ko na lamang sila. Ang iba naman, nakisimpatya sa kalagayan ko at nag-cheer up sa'kin.





"Best! I can't believe na nandito ka na. Sa wakas bumalik na ang bestfriend ko.. And soon to be my future hipag!" masayang ibinulong sa'kin ni vivian habang humahagikhik.




Well, wala pa namang nakakaalam na pinsan ni vivian ang ama ng nasa sinapupunan ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na pinsan pa talaga ng bestfriend ko! Such a small world! Pero thankful na rin ako dahil tunay na mabait siya at may paninindigan..





Kahit na hindi kami tunay na nagmamahalan basta't alam kong may kikilalaning ama na ang magiging anak ko ay sapat na sa'kin. Kahit na merong parte sa puso ko na gustong umasa. Hindi mahirap mahalin si gab kaya kahit ayokong aminin unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya. This is a strange feeling. Kapag nakikita ko siya parang gusto ko siyang salubungin ng yakap at pupugin ng halik. I don't know if that is just caused by hormones. Basta alam ko, masaya ako kapag nakikita ko siya lalo na kapag inaalagaan niya ako. Pakiramdam ko nga naii-spoiled na ako.






"Yeah, namiss ko na kasi mag-aral. Marami na akong na-missed na lesson. I don't think so if nasa ranking pa rin ako. Pero kung wala na, ayos lang. Atleast makakagraduate pa rin ako at ligtas kami ng baby ko." sincere na saad ko. I feel so much blessed.





Vivian look at me with her sympathising eyes. "Best naman, alam kong kaya mo pang humabol. Ikaw pa! Walang makakatalo sa'yo noh!" vivian trying to cheer me up. Tipid lang na ngiti ang itinugon ko.





Natapos ang maghapon na puro pag-aaral lang ang inatupag ko. Nag special quiz at activity din ako sa mga namissed ko. Gusto kong magfocus dahil malapit na ang graduation. Kinausap naman ako kanina ng principal at sinabing pwede pa raw akong mapasama sa ranking pero hindi na ako pwedeng mag-expect na ako pa rin ang valedictorian kahit na na-excused ako. Walang may gusto ng mga nangyari pero naapektuhan pa rin ang academics ko. Tanggap ko naman na iyon. Nakakatawa lang dahil ang pinag-aagawan namin noong top one ni jen ay hindi napunta sa'min.


One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon