✧✦✧NAKAKALASING... Nakakapanlambot ng tuhod.. Nakakapanindig balahibo.. Ang sarap malunod sa mga halik niya at pakiramdam ko anumang oras bibigay na ako.
Pero MALI. Maling Mali. Not Again... It's just all about lust for him.
Hindi tama 'to.. Hindi dapat mangyari ulit ang nangyari sa amin. Hindi sa ganitong sitwasyon. Na kung kailan lasing siya ay may mamamagitan sa amin. Tama na ang isang gabing pagkakamali.
Labag man sa kalooban ko ay iniwas ko kaagad ang sarili ko sa kanya. Narinig ko ang pa-ungol na pagtutol niya. Malalalim na paghinga ang pinakawalan ko nang kumalas ako sa paghalik niya.
Sa tingin ko, mukhang natamaan na talaga si Gab ng alak. Hindi ko naman siya kayang alalayan kaya hinayaan ko na lang siya doon. Nagtuloy na ako sa kwarto ko at hindi ko na namalayan ang pagtulog ko.
✧✦✧
"Sigurado ka bang pupunta tayo? I mean... you okay with this?" bumaling ako kay Gab na ngayon ay seryosong nagmamaneho sa tabi ko.
Ngayon kasi ang araw ng kasal ni Elle at dahil nga imbitado kami ay papunta na kami ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang church wedding nila Elle at Scott.
Sandaling tinignan niya ako. Maaliwalas naman ang mukha nito pero.. nag-aalala lang ako para sa kanya. Paano kung lalo lang niyang masasaktan ang sarili niya? Masakit para sa atin ang makitang ikakasal na sa iba ang taong pinakamamahal natin.
Iyon ay kung hindi pa nga siya nakakapag-move on kay Elle. Kailan kaya siya uusad sa moving on stage na 'yan?
Hindi kaya siya maging bitter? Ang hirap pa namang magkunwaring ayos ka lang kahit na sa totoo lang ay wasak na wasak na ang puso mo. Parang ako...
Mabuti na lang at mukhang hindi naman niya naalala pa ang mga nangyari nung gabing hinalikan ko siya. Wala naman siyang inuusisa kaya inassume ko nalang na wala siyang maalala.
"Ofcourse, I am." nakangiting sagot niya.
Shiz. Aaminin kong maslalo siyang gumwapo sa style niya ngayon. Nakabrush up ang buhok niya at nakapag-ahit na rin siya kaya maslalong umaliwalas ang mukha niya. Kung noong nakaraang araw ay nagmukha siyang bad boy dahil sa magulong buhok nito at may mangilan-ngilang tumutubong bigote ay kabaliktaran naman ngayon. Mukhang siya pa nga ang groom ngayon eh.
At.. At ako ang bride.
Bigla akong natawa sa ideyang iyon na pumasok sa isip ko. Arghhh! I'm such a hopeless romantic.
"Don't worry about me. I'm okay, basta nandyan ka lang sa tabi ko... Okay na ako." he said in his low, sexy voice.
Napalunok ako at halos matuyuan ng lalamunan dahil sa sinabi ni Gab. Why did he's giving me mixed signals these past few days? Kung hindi ko lang siguro narinig ang sinabi niya ng gabing 'yun, maniniwala na sana ako sa mga pinapahiwatig niya.
Nang maiparada niya ang sasakyan nito sa harap ng simbahan ay mabilis na pinagbuksan niya ako ng pituan at naglahad ng kamay.
Sandaling tinitigan ko ang kamay nito ng mataman. Bakit pakiramdam ko kami ang ikakasal ngayong araw?
Argghh! Ilusyunada!
Inabot ko na lamang iyon at iginiya na niya ako papasok sa simbahan.
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love