[A/N:] Hi, guys! I just want to thank all of you for reading STRANGE LOVE. Thank you for your votes and comments. I really appreciate it but I hope you read my other stories too :) Thank you and God bless!
~*~
Mrs. Dela Vega
Naalimpungatan ako ng madaling araw sa malaking kamang kinahihigaan ko. Nakapikit pa rin ako ng tumagilid at ginagap ko ang kama para sana yakapin si Gab pero isang malambot na bagay nalang ang nahagip ko sa aking tabi.
Napadilat ako at nakitang unan iyon. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at nilibot ang buong paningin sa malawak na kwarto namin ni Gab. Napatingin ako sa sofa pero wala siya doon. Pati na rin sa work desk niya'y wala rin siyang bakas doon.
Napabuntong hininga ako nang may maisip. Lumipad ang palad ko sa aking noo at napangiti. Bumangon ako mula sa malaking kama. Madilim pa rin sa labas nang sumilip ako sa bintana. Tinignan ko ang orasan at nakita kong mag-aalas kwarto pa lang ng madaling araw.
Magagaan ang yapak ko habang naglalakad sa pasilyo ng bahay. Baka tulog pa sina Mommy at Daddy at ayoko namang makaistorbo. Alam kong napagod din sila kanina sa pag-aalaga kay Elisia. Pakiramdam ko nga hindi ako nanganak dahil masmadalas pa sila sa pag-aalaga sa anak ko. My parents and Gab's are giving too much attention and care for their first grand child! I feel so overwhelmed.
Dahan dahan at buong ingat kong binuksan ang pintuan ng Nursery Room. Tama nga ang hinala ko. Nakita ko roon si Gab... he's awake and he was carrying Elisia on his arms. Parang may humaplos sa puso ko. That scene is just too heart whelming!
"Hush baby... Daddy's here. Gutom ka ba baby? Ssshh.." malambing na saad niya sa anak naming nag-iiyak.
Bakas sa mukha niya ang pagkataranta kung ano ang dapat gagawin. Aligaga siya sa paghele at pagtahan kay Elisia.
Napapangiti tuloy ako. He really got that father figure. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko.
Lumapit ako sa kanya. Hindi siguro niya napapansin ang presensya ko dahil sa pagkakataranta niya sa pagtahan sa anak namin. Marahan kong hinawakan ang braso niya.
"Gab..." mahinang tawag ko sa kanya. Saka pa lang siya bumaling sa akin.
Sandali siyang nagulat nang makita ako. Hindi niya siguro inaasahang magigising ako.
"Akin na si Elisia." Nakangiting saad ko.
"Elise...matulog ka muna. Ako muna ang bahala sa anak natin." He said in a concern tone pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya at kinuha ko sa kanya si Elisia na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Dapat dahan-dahan lang ang pagsayaw sa kanya. Kapag natataranta ka, lalo lang siyang iiyak." turo ko habang ipinapakita sa kanya kung paano ang tamang paghawak at paghele kay Elisia.
Napanguso siya at tahimik nalang siyang nanood habang ginagawa ko iyon. Bakas sa ilalim ng mga mata niya ang dark circles dahil sa gabi-gabi narin niyang pagpupuyat. He looks exhausted but there was a gleam happiness in his eyes.
"Ikaw na kaya ang magpahinga? Alam kong pagod na pagod ka. Galing ka pa sa trabaho kanina. Hindi ka pa masyadong nakakapagpahinga. Sige na, Gab." Nag-aalalang sinabi ko sa kanya.
Marahan ko ulit ini-hele si Elisia. Itinaas ko ang laylayan ng pantulog ko at iminuwestra ang kaliwa kong dibdib sa bibig nito. Agad naman nitong inabot ang nipples ko at halata ngang uhaw at gutom siya. Kaya pala siya hindi matigil sa kaiiyak. Hinaplos ko ang ulo ni Elisia na ngayon ay nakukuha na ang pagtulog.
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love