Hindi ko na na-edit. Sorry sa mga typos :)
×××
Today is our Graduation Day. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, nakahabol din ako para sa ranking students. Pang 2nd honorable ako. I am happy yet sad. Hindi dahil bumaba ang rank ko kundi magwawakas na naman ang isang yugto ng buhay ko. Mabilis lumipas ang panahon. Parang kailan lang noong freshman palang ako dito sa elite high school. Marami din akong nabuong mga magaganda at malungkot na alaala dito. Lahat yun, dadalhin ko na hanggang sa pagtanda ko.
Mapait akong napangiti kay vivian. Kakatapos lang ng aming martsa. Nagpakuha kami ng litrato habang nakatoga. Narito rin ang parents ko na super proud na proud sa akin. Bagama't bumaba ang rank ko ay madami naman akong nakuhang awards.
Lahat nag-iiyakan na para bang mamatay na ang isa't-isa. Natatawang nagka-iyakan din kami ni vivian. Para kaming tangang nagtatawanan habang pinupunasan ang luha ng bawat isa.
"Congrats sa atin best! Ang bilis ng panahon ano? Graduate na talaga tayo. Paano ba yan.. Mamimiss talaga kita." emosyonal na saad niya habang sumisinghot pa. Naiiyak pa rin siya at maging ako ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak.
"Mamimiss ko din ang bestfriend kong shopaholic! Wala ng mangungulit sa'kin para magpasama sa pagshoshopping! Sa wakas, makakapagpahinga na ng tuluyan ang mga paa ko!" biro ko rito. Natawa naman ito.
"Best naman.." aniya habang natatawa pa rin. Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti rin ako sa kanya.
"Ano ba, hindi na makahinga yung inaanak mo." pabirong sita ko rito habang tumatawa. Agad naman siyang bumitaw. Saka mabilis na hinaplos ang medyo nagkakaumbok ko ng tyan. Mahigit tatlong buwan na rin kasi.
"Sorry, baby. Mamimiss ko kayo ng mommy mong super iyakin. Dibale, uuwi naman ako kapag kinasal na ang mommy at daddy mo." aniya habang humahagikhik. Agad ko itong sinaway dahil kung ano-ano ng sinasabi nito.
Hays! Mamimiss ko talaga si vivian. Mag-aaral na kasi ito sa ibang bansa. Kaya matatagalan siya roon. Siguro uuwi siya tuwing holidays. Bukas na bukas na ang flight niya. Kaya ngayon na kami nagdradrama dahil hindi ko na siya maihahatid bukas sa airport.
Masaya ako para sa kanya dahil unti-unti na niyang maaabot ang mga pangarap niya. At bubuuin niya iyon sa ibang bansa. Samantalang ako, wala pa akong ideya kung anong nakalaan sa akin sa kinabukasan. Siguro, titigil muna ako ng isang taon dahil kailangan ko munang maisilang ang anghel na nasa sinapupunan ko.
Bago kami umalis ay nagpasalamat muna ako sa mga teachers namin. Nagpasalamat ako sa kabila ng mga suportang binigay nila para sa'kin. Kung hindi dahil sa pagmomotivate nila sa'kin maybe i'm not here today.
Pagkatapos no'n ay umalis na kami at nagtungo sa isang resto para magcelebrate. With my mom and dad only. Hindi na nakasama pa si vivian at ang parents niya dahil maaga na silang aalis bukas para sa flight ni vivian. Nalulungkot parin ako tuwing naiisip ko ang bagay na yun. But i just kept in mind that i should be happy for her.
"Let's go sweetie." Saad ni mom na siyang nagpabalik sa aking ulirat. Tumingin ako sa paligid, narito na pala kami sa isang sikat na restaurant.
Tumango lang ako at inakay na ako ni mom papasok samantala si dad ay ipinark muna ang sasakyan.
Pagkapasok namin ay dinala kami ng isang waiter sa isang table. Nagulat ako ng makita ang parents ni gab doon pati na rin siya. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Agad tumayo si gab at parents nito upang makipagbeso kay mommy at pati sa akin. At saka umupo na kami, umupo ako sa tabi ni gab. Dumating na rin si daddy at umupo na rin ito sa tabi ni mommy.
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love