Chapter 20: Ang paghihiganti

8.7K 222 7
                                    





×××





"MISS ME?" ani ni jen na may mapait na ngiti sa labi. Nakikita ko sa mga mata niya ang poot at galit roon. Gusto kong tumakbo dahil alam kong may gagawin siya sa'kin pero parang napako na ang mga paa ko at ayaw makisama.




Matapos ang dalawang linggong pagkasuspende ni jen, hindi na siya bumalik sa school at wala na rin akong masyadong nabalitaan tungkol sa kanya. Ang huling balita na lang na narinig ko ay ang paglipat niya sa isa daw sa mga kamag-anak niya sa probinsya. Matapos ang two weeks suspension niya, may nareceived akong isang text message sa isang unknown number.



Tila galit na galit ito sa akin dahil sinabi niya roon na babalik siya at gagantihan niya raw ako. Pero pilit ko na lang kinalimutan iyon kahit ang totoo ay nakaramdam ako ng kaunting takot. Inisip ko na lang na marahil ay na-wrong number lamang ang kung sino mang nagpadala niyon. Pero kinabukasan matapos nun ay nabalitaan kong magtratransfer at titira na raw si jen sa probinsya. Nakaramdam ako ng awa at panghihinayang. Kahit na ganoon ang trato niya sakin ay mamimiss ko rin siya sa kabila ng ginawa niya sa akin. Pero dahil sa pag-alis niya ay nagkaroon ako ng konklusyon. Naisip ko na maaaring siya nga ang nagpadala ng mensahe sa akin. Pero sa pagdaan ng araw, dahil na rin sa dinadala kong problema ay nakalimutan ko ang bagay na yon.




Nagbalik ang aking ulirat ng makaramdam ako ng isang malakas na pagdampo ng palad sa aking pisngi. Namalayan ko na lang na sinampal na pala ako ng ubod lakas ni jen at ngayon ay hawak na ng magkabila niyang kamay ang buhok ko.





"Jen! Tumigil ka! Nasasaktan ako! Aray!" sigaw ko rito habang pilit na inaalis ang pagkakasabunot niya sakin. Parang matatanggal na nga ang anit ko sa higpit ng paghawak niya sa buhok ko.




"Hindi lang kita sasaktan, papatayin kita! Walang hiya ka! Ito ang bagay sa'yo! Kulang pa ito sa ginawa mo sakin!" Bulyaw niya habang patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa akin. Pinilit kong ilayo ang buhok ko pero lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakahawak niya roon.





"Wala akong ginawang masama sa'yo! Please, pag-usapan natin ng maayos kung ano man ang ikinagagalit mo sa kin jen. Please!" sinubukan kong makiusap sa kanya at pakalmahin ang sarili ko kahit parang maiiyak na ako sa sakit.





"Huh! Tinatanong mo kung ano ang ikinagagalit ko sa'yo?!" bulyaw niya at saka pinisil ng isang kamay niya ang magkabilang pisngi ko habang nakahawak parin ng mahigpit ang isang kamay niya sa buhok ko. Kitang-kita ko ang nag-aapoy ng mga mata niyang nakatitig sa akin.




"Akala ko ba matalino ka? Bakit tinatanong mo pa kung anong ikinagagalit ko sa'yo?!" ngumiti ito ng mapakla at saka umiling-iling.



"Simple lang naman elise! Simple lang! Dahil masyado kang pabida! Ikaw ang dahilan kong bakit ako nagdudusa ngayon! Ikaw na lang palagi ang top one sa klase! Ikaw na lang palagi ang mabait! Maaasahan!  Bakit? Ginagawa ko naman ang lahat para higitan ka! Pero bakit ganoon? Hindi parin kita kayang lamangan?!" napansin ko ang pag-uulap ng mga mata niya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.



"Alam mo bang yun lang ang tanging paraan para tanggapin at ipagmalaki ako ng mga magulang ko? Ah! Hindi pala! Hindi nila ako matanggap na anak dahil ampon lang ako! At ngayon, ibinalik na nila ako sa tiya ko sa probinsya! Ayoko ng bumalik sa hirap! Ayoko na!" tuluyan na siyang napahagulhol. Dahil doon ay nabitawan na niya ang buhok ko. Ngayon ay nakalupasay na siya sa lupa habang sapo ang mukha. Alam kong pagkakataon ko na ito para tumakas pero parang nanadya ang mga paa ko. Nabigla din ako sa rebelasyon nitong hindi pala siya totoong anak. Hindi ko man naranasan ang mga dinanas niya ay alam ko ang nararamdaman niya. Paunti-unting lumapit ako sa kanya.



"Jen, alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Kung ano man ang nagawa kong sa tingin mo na pagkakamali ko, patawarin mo ako. I'm sorry, hayaan mong tulungan kita... jen." mahinahong saad ko rito pagkatapos ay hinaplos ko ang kanyang balikat na patuloy parin sa pagyugyog.




Tumigil ito sa pag-iyak at dahan-dahang tumingin sa akin. Basang-basa ang pisngi nito dahil sa pag-iyak. She smiled bitterly.



"Tutulungan? Talaga?" Tumayo ito at humarap sa akin. "Sige, tingnan natin kung matutulungan mo ako dito." aniya at saka dinala ang isang kamay sa zipper ng kanyang jacket. Dahan-dahan niya iyong binuksan dahilan upang matutop ko ang bibig ko sa aking nakita.




"A-anong nangyari sa'yo jen?" hindi ko na napigilan ang paglandas ng aking luha.




Lumantad sa akin ang kaliwang braso niya kung saan naroon ang malaking lapnos sa kanyang balat na ngayon ay nag-iwan ng malaking peklat. Hindi lamang basta-bastang peklat dahil sa nalapnos ang kanyang balat ay nag-iwan iyon ng hindi kaaya-ayang marka sa kanyang balat. Parang tuyong kahoy ang itsura nun.



"Yan lang naman ang bunga ng pagiging atribida mo! Nagalit sakin ang tiya ko, dahil ako na lang ang inaasahan nila! Ako na lang sana ang makakapag-ahon sa kanila sa kahirapan. Pero, dahil sa nangyari... nagalit siya sa akin kaya nagawa niya ito! Tignan mo!" mapait na sambit niya.



Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko alam na may mga klaseng tao pala ang pwedeng gumawa nun sa kanya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya at poot sa taong gumawa niyon sa kanya. Kahit ano pang pagkakamali ang nagawa niya hindi dapat ganoon ang ginawa sa kanya!



"Pwede ka pang magsimula ulit jen! Tutulungan kita, sabihin mo lang kung anong maitutulong ko sa'yo na sa tingin mo'y makakapagpapalubag ng loob mo." sinserong saad ko. Ang tinutukoy ko ay ang maparusahan ang tiya niyang gumawa non sa kanya. Pero iba ang nakita kong reaksyon sa mukha niya, taliwas iyon sa inaasahan ko. Tumawa ito ng mapakla, na parang wala na sa tamang pag-iisip.




"Ang makakapag-pagaan lang ng loob ko ay ang makita kang mamamatay!" sigaw niya na siyang nagpaatras ng aking mga paa. Mula doon ay may dinukot siya sa bulsa ng kanyang jacket.





Isang baril!



"B-bakit ka may baril?" nausmid ang dila ko. Hindi ko pa rin maigalaw ang mga paa ko! Sht!




Nakita ko pina-ikot ikot niya ang baril sa kamay niya at tila nanunudyo.



"Bobita ka talaga! Ano pa sa tingin mo?! Edi gagamitin kong pampatay sa mga katulad mong pabida!" muli itong tumawa ng malakas at ganoon na lang ang pagkahindig ko ng itutok niya sa akin ang baril!





"Goodbye, elise! See you in hell!" ani jen na may malawak na ngiti sa labi.





Hinintay ko na lang ang pagputok niyon at pagtama sa akin, pero bago iyon ay isang sigaw muna ang nakakuha ng aking atensyon.




"No! Elise!!!!" sigaw niya. Pero bago ako nawalan ng malay, nakita ko ang pagtanggal nito sa suot ng maskara! Sa wakas ay nakita ko rin ang mukha ng lalaking iyon.








Hinding hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon! Ang lalaking ama ng batang pumipintig ngayon sa aking sinapupunan!








Si Gab!

×××


Hi guys! Sorry, long time no update! :( been busy kasi sa school eh.
.
.
.
.
.
.

Nyways, I will do an update again very soon! Just leave a comment and VOTE is very much appreciated! ^__^v

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon